Importante ang pagkakaroon ng comfort room sa mga pampublikong lugar dahil ito ay isang basic necessity para sa ating lahat.
Bagamat alam natin na isa ang mga public restroom sa pinakamaduming lugar sa publiko, madalas pa din natin itong gamitin dahil ito ay isa sa pinaka common na pangangailangan ng tao. Kung kayo ay gagamit ng mga pampublikong restroom, karamihan sa atin ay gagamitin kung ano ang nakabukas o available na bathroom toilet sa loob dahil sa ayaw na nating pumila pa sa ibang toilet. At ang madalas na bakanteng bathroom toilet ay ang mga nasa gitnang bahagi.
Subalit alam niyo ba na mayroong research study na ginanap sa ibang bansa kung saan sinubukan nilang obserbahan ang ilang restrooms sa mga publikong lugar.
Narito kung ano ang pinakamadumi at pinaka malinis na bathroom stall:
- mas madalas na gamitin ang bathroom stall na nasa gitnang bahagi ng restroom dahil base sa research na ginanap, ito ang pinakamaraming beses na napapalitan ng tissue rolls kada linggo.
- pangalawa naman sa pinaka madumi na bathroom stall ay ang nasa dulong bahagi dahil karamihan mas komportable na gamitin ito.
- Ang hindi gaanong ginagamit naman na bathroom stall ay ang nasa bandang unahan na bahagi
Ang ibig sabihin nito, kadalasang ginagamit ang mga nasa gitnang bahagi ng restroom, samantala ang magkabilang dulo naman na bathroom stall ay ang siyang kalimitang ginagamit. Kaya kung kayo ay gagamit ng pampublikong restroom, tiyakin munang mabuti kung ang gagamiting toilet ay may tissue rolls sa loob at gumagana ang toilet flush. Siguraduhin na malinis ang gagamiting restroom upang hindi makakuha ng iba't ibang impeksyon.
Importante din para sa mga babae na punusan ang toilet bago ito gamitin upang matanggal ang dumi at bakterya dito. Panatilihin din ang paghugas ng kamay matapos gumamit ng toilet at gumamit ng antiseptic wipes sa inyong maselang bahagi ng katawan.
Comments
Post a Comment