Noon pa man kilala na ang luya bilang isang halamang gamot. Ginagamit itong pampalasang sangkap sa mga lutuin. Mayaman ang luya sa mapagkukuhanan ng bitamina at nutrisyon na lubos na nakatutulong sa ating kalusugan. May magandang hatid ito sa mga taong may diabetes, mataas na kolesterol, arthritis, nagpapalakas ng immune system at mabilis na paggaling mga sugat. At iilan lamang yan sa mga magandang hatid ng luya. Ngunit gayunpaman ang luya ay hindi para sa lahat.
Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng tao na kailangan nilang iwasan at hindi isama sa kanilang diet list ang luya.
1. Mga taong underweight o kulang sa timbang
Una, Hindi ito maaari sa mga taong may mababang timbang. Dahil kilalang kilala ang luya na nakatutulong sa pagpapalabas ng dumi sa ating katawan na nagreresulta ng pagpayat ng isang tao. Karaniwan din itong nirerekomenda sa mga taong may diabetes, obesity, at hypoglycemia. Ngunit gayunpaman, sa mga taong kulang sa timbang ay kinakailangan na iwasan o alisin na ng tuluyan sa inyong sistema ang luya. Dahil maaaring ito ang pagsimulan ng mas ikabababa ng iyong timbang.
2. Bawal sa mga buntis
Pangalawa, Ang luya ay isang gamot sa pantunaw na tumutulong sa maayos at mabilis na paggana nito. Kaya isa itong super food para sa mga nagbabawas ng timbang. Gayunman, maaari itong maging sanhi ng muscle contraction at preterm labors. Ginagamit ang ginger root para mapigilan ang morning sickness ng mga buntis sa panahon ng first trimester. Ngunit hindi ito nirerrekomenda sa mga mahaba na ang buwan ng kanilang pagbubuntis.
3. Sa mga taong may diperensya sa dug0
May taglay na nakapagpapaganda ng maayos na pagdaloy ng dug0 ang luya. Kaya may magandang hatid ito sa mga taong nagdudusa sa peripheral disease, diabetes at obesity. Ngunit hindi ito maganda para sa mga taong may hemophilia dahil maaaring magdulot ng sobrang pagsigla ng pagdaloy ng dug0 na magiging sanhi ng sobrang pag lura ng dug0. Ang hemophilia ay isang blood disorder na kung saan malubhang binabawasan ang kakayahan ng pamumuo ng dug0.
4. Mga taong umiinom ng pampalabnaw ng dug0 at insulin
Ang pagsabay ng pagkain o pag-inom nf luya sa mga nabanggit na gamot ay napakadelikado. Dahil kilala ang luya na nakatutulong sa pagpapababa ng blood pressure at pagaayos ng sirkulkasyon ng dug0 na siyang pagnipis ng dug0. Maaari itong makipag-ugnayan sa ilang mga gamot at maging sanhi ng hindi kanais nais na resulta. Kaya ang luya ay hindi maganda para sa mga taong umiinom ng mga gamot na pampalabnaw o anticoagulants.
5. Mga taong may allergic reaction sa luya at may sensitibong balat
Hindi maganda ang luya para sa mga taong may maseselan na balat dahil maaari itong maging sanhi ng allergy. Mararanasan ang mga pakiramdam na pangangati ng balat, pamumula at rashes. Maaaring mild lamang o kaya naman sobrang pangangati. Sa mga taong may allergy sa luya ay hindi rin maganda sa para sa kanila dahil ito ang pagsisimulan ng pagreact ng kanilang katawan at hindi kanais nais ang magiging resulta.
Comments
Post a Comment