
Basahin ang mga nasa ilalim na rason kung bakit kailangan mo ng tigilan ang pagkain ng white bread:
1. Zero Nutritional Value
Ang white bread ay gawa sa pinong arina na kung saan tinanggal ang panloob at labas na balat ng grains o butil sa proseso ng pagpipino. Ayon na rin sa dalubhasa, kung walang grains , wala rin itong katumbas na fiber. Ibig sabihin ay parang kumakain ka lang ng starch o almirol. Kahit mayaman ito sa bitamina at iron, wala pa ring sapat na nutrisyong makukuha rito kaysa sa buong grain tulad ng wheat bread.
2. Nakakapagpataas ng blood sugar level
Ang mababang fiber at protina na nilamaman ng white bread ay nagiging sanhi ng biglaang pagtaas at pagbaba ng blood sugar level. Ito ay maaaring magiwan ng pakiramdam na pagka-iritable, pagkagutom, at ito ay nagbibigay sa atin ng sugar cravings kung saan mapapakain tayo ng matamis na pagkain.
3. Nagkakaroon ng Increased Risk ng type 2 diabetes
Ang pagkain ng white bread ay maaaring magdulot ito ng mas ikakapinsala ng pagkakaroon ng type 2 diabetes. Dahil kapag ang blood sugar ay tumaas ng mabilis, ang sobrang insulin ay kakalat sa dugo para maitulak ang sugar papunta sa cell. Kung mangyayari man ito, magiging resistant ang cell sa insulin at mahihirapan na macontrol ang lebel ng blood-glucose.
4. Weight gain
Ang sobrang pag-aabuso sa pagkain ng white bread ay maaaring maging sanhi ito ng paglaki ng pangangatawan. Dahil ang white bread ay may mataas na carbohydrates na mag-iiwan ng asukal sa iyong katawan na kung saaan magiging taba o fats sa katawan.
5. Negatively affect your mood
Ayon sa pagaaral ang pagtaas at biglang pagbaba ng blood sugar lebel ay maaaring maging sanhi ng pagiiba-iba ng paguugali o mood swing. Dahil sa pagkain ng white bread ay maaaring tumaas at bumaba ang blood sugar lebel. Kaya maaaring maging sanhi ito ng mood swings, fatigue, at ibang sintomas ng depression.
Comments
Post a Comment