Kadalasan kapag tayo ay kumain ng saging ay tinatapon na lang natin agad sa basurahan ang balat nito. Ngunit marami ang hindi nakakaalam na may marami pa pala itong pwedeng paggamitan na makakatulong sa iyong pang araw-araw na gawain.
Kaya sa susunod, siguradong hindi mo na basta basta itatapon ang mga balat ng saging pagkatapos mong nalaman ang iba pang kakaiba at nakakamanghang gamit nito!
1. Gawing fertilizer sa inyong garden
Mabisa ang balat ng saging na gawing compost para sa mga halaman. Mayroon itong magnesim, sulfur, phosphates, potassium, at sodium na kailangan para magkaroon ng healthy growth ang mga tanim. Ibaon laman ito sa lupa kung saan nakatanim ang halaman.
2. Pampakintab ng silver
Ang mga kagamitang silver sa katagalan ay nawawalan nang kinang. Upang maiwasan ito, ikuskos lamang ang balat ng saging sa mga ito. Nagtataglay ito ng potassium na nakakatulong malinisan ang mga metal na bagay.
Iblender lang ang balat ng saging. Magdagdag ng kaunting tubig. At kapag naging parang paste na ito ay maaari ng ipang-kuskos sa mga metal.
3. Panglinis sa leather
Kung nakalimutan mong bumili ng pang shoe-shine, wag nag mag-alala dahil mabisa ang balat ng saging upang maging makintab ang mga sapatos, bag, at iba pang gamit na leather.
4. Para sa may migraine
Kung naghahanap ka ng isang natural na paraan upang mawala agad ang migraine, ipatong lang ang banana peel sa taas ng noo o sa batok. Ang potassium na taglay nito ay nakakapagpawala ng sa kit ng ulo.
5. Meat tenderizer
Kung nagluluto ka ng steak at gusto mong manatili ang pagka-juicy nito, isama ang balat ng saging sa kawali. Sa paraang ito, mas mananatili ang flavor nito at mapapanatili ang moisture.
6. Pantanggal ng kati
Ang balat ng saging ay epektibong pantanggal ng kati na dulot ng kagat ng mga insekto. Dahil ito ay nagtataglay ng histamine na nakakapagpawala ng pangangati.
Comments
Post a Comment