Maraming benepisyong taglay ang kalabasa na makatutulong sa pagpapalusog ng katawan. Ang halaman na ito ay gumagapang na may bungang bilugan at kulay dilaw na laman. Ang kanyang mga tangkay at dahon ay kulay berde at namumulaklak rin na kulay dilaw. Ang kalabasa ay kilalang gulay na maaaring gamitin na sangkap sa ulam na gulay, sabaw at ginisa.
Mas mabilis ang absorption ang nutrients ng kalabasa kung ito ay kakainin ng 'liquid form' kaysa kainin ito ng buo. Ang iba ay ginagawa itong soup o puree at ito ay pwedeng ipakain sa mga pasyente hirap kumain ng solid food. Ito rin ay pwede para sa mga bata na hindi pa kayang kumain ng matigas na pagkain.
Ito ang napakagandang sustansya na makukuha natin kapag tayo ay kumain ng kalabasa soup:
1. Pampalinaw ng Mata
Lagi nating naririnig ang salitang “Kumain ng kalabasa upang luminaw ang iyong mga mata”. Ang katagang ito ay may katotohanan dahil ang kalabasa ay may taglay na benepisyong nakakatulong sa pagpapaganda ng ating mga mata. Ang pagkain ng kalabasa ay nakapagbibigay ng sapat na bitamina para sa magandang mata at mailalayo pa sa mga kondisyon na maaaring makuha tulad ng pagkabulag, panlalabo ng mata, at mga problema sa ating vision.
2. Pampalakas ng Katawan
Ang kalabasa ay may taglay na bitamina at mineral na kinakailangan ng ating katawan para sa malakas na pangangatawan. Ang pagkain ng kalabasa ay makatutulong sa pagpapalusog at pagpapalakas n gating katawan upang malabanan o maiwasan ang mga impeksyon. Kadalasan itong ipinapakin sa mga taong kulang sa enerhiya upang lumakas ang kanilang immune system.
3. Regulates Blood Circulation
Ang kalabasa ay nagtataglay ng mataas na iron at copper na mahalaga para sa red blood cells. Ang pagkain ng kalabasa ay magbibigay ng magandang kalusugan at mailalayo sa ilang mga kondisyon katulad nalamang ng anemia. Nakatutulong rin ito sa maaayos na pagdaloy ng dugo sa katawan, maaayos na paggana ng utak at nakapagpapataas ng enerhiya o pampalakas ng pangangatawan.
4. Heart Health at iwas sa Diabetes
Ang kalabasa ay may taglay kakayahan na tulungan ang malusog na puso at mailalayo sa mga problema sa puso. May taglay rin ito na nakatutulong sa magandang paggana ng mga organ sa ating katawan at magandang pagdaloy ng dugo sa ating katawan na makakatulong rin sa mga tao na pababain ang sugar level lalo na kung may diabetes.
5. Pampatibay ng Buto
Ang kalabasa ay nagtataglay ng mataas na bitamina na nakatutulong sa pagpapatibay at pagpapalusog ng mga buto sa katawan. Nagtataglay ng zinc, calcium, magnese ang kalabasa na siyang kailangan para sa pagpapatibay at malusog na buto. Kaya mainam na kumain ng kalabasa para sa ikagaganda at ikalulusog ng kalusugan at mailalayo sa sakit na osteoporosis sa pagtanda.
Narito kung paano gawin ang Kalabasa puree:
Ingredients:
- kalabasa or squash (mashed)
- chicken broth
- 1 onion
-1 garlic powder
- 1/2 whipping cream
- black pepper
- salt
Directions:
1. Palambutin ang kalabasa. Maaari mo itong i-blender o i-mashed gamit ang tinidor.
2. Ilagay ang chicke broth, kalabasa at onion sa isang saucepan. Hayaan itong kumulo habang hinahalo upang hindi ito dumikit sa pan.
3. Idagdag ang asin, paminta at whipping cream. Haluin ito ng 15 minuto.
4. Serve and enjoy!
Comments
Post a Comment