Ang pagkakaroon ng kulubot sa mukha o tinatawag din na 'wrinkles' ay isang senyales ng pagtanda. Minsan ito ay nakakababa ng confidence at nakaka-depress. Karamihan sa mga produkto na anti-wrinkle ay may kamahalan at minsan hindi naman ito umeepekto sa sa lahat.
1. Mag-apply ng pipino o cucumber moisturizer
Mababawasan ang mabilis na pagdami ng inyong wrinkles kung napapanatili laging hydrated ang balat. At makakatulong ang cucumber moisturizer sa problema mong ito. Gayatin lamang ang isang pipino at ipress ito upang lumabas ang katas. Ipahid ang pipino juice sa iyong mukha gamit ang bulak. Matapos ang isang oras ay banlawan na ang mukha.
2. Paggamit ng egg white mask
Isang paraan upang umaliwalas ang mukha ay sa pamamagitan ng paggamit ng puti ng itlog o egg whites. Nakakatulong ito na gawing firm at balat at paliitin ang mga naglalakihang pores. Batihin ang egg whites, maghalo ng kalahating kutsara ng honey at lemon juice. Iapply ito sa mukha na parang mask at hayaan sa loob ng 30 minuto.
3. Magpahid ng lemon
Ang lemon ay may astringent properties na makakatulong din sa pagbawas ng mga dark spots sa mukha. Ang vitamin C at acidity nito ay mabuti para sa kalusugan ng balat. Gamit ang isang fresh lemon slice, ipahid ang juice sa iyong mga facial wrinkles at fine lines. Ngunit dahan dahan lamang ang paggamit nito dahil maaaring mahapdi sa ilang balat na sensitibo.
4. Gumamit ng satin pillow cases sa mga unan
Ang materyal sa iyong mga pillowcases ay maaaring may epekto sa pagkakaroon ng facial wrinkles. Ang pagtulog sa mas malambot na materyal ay mas nakakabuti para sa balat. Kaya subukan ang mga pillow cases na gawa sa telang satin.
5. Gumamit ng coconut oil
Sinasabi na ang coconut oil ay nakakatulong labanan ang maagang senyales ng skin ageing. Nakakatulong din ito na ma-moisturize ang balat at mabawasan ang appearance ng wrinkles at fine lines. Bago magtulog imassage lamang ang coconut oil sa iyong balat.
.
Comments
Post a Comment