Maglagay ng Ice Cube sa Iyong Likod ng 20 na Minuto, Narito ang Magandang Epekto Nito sa Iyong Katawan!
Karaniwan na nating naririnig ang salitang Feng Shui. Ang Feng Shui ay isang tradition ng mga chinese na kung saan gumagawa ang mga ito ng mas malakas na enerhiya sa pamamagitan ng mga gamit at mga iba pang bagay na ayon sa kanilang posisyon upang makakuha ng positibong pakiramdam.
Ang kasanayan ng Chinese sa acupuncture at acupressure ay gumagamit ng isang katulad na sistema ng paniniwala. Pinapares ito sa pag-aaral sa pressure points. Para matulungan na tumaas ang eherhiya, mapahusay ang pagtulog, maalis ang mga nararamdamang pananakit sa katawan, at maaaring matulungan na mabawasan ang mga sintomas ng mga kondisyon.
Isang kilala din at epektibong paraan upang magkaroon ng positibong pakiramdam ang kalusugan ay ang tradisyon nilang ginagawa na tinatawag na Feng Fu.
Ang tradisyon na ito ay may kinalaman sa feng fu point na ginagamit bilang parte ng Chinese acupuncture. Ngunit madali lamang itong isama sa iyong mga nakagawian sa inyong bahay. Sa pamamagitan ng paggamit ng ice cube sa inyong batok ay magagawa muna ang isang paraan ng feng fu. Ito ay makatutulong na laban ang lagnat, palakasin ang paghinga, at mapapalawak pa ang kapayapaan sa kalooban.
Paano ito gawin:
• Una, Ang kailangan mo ay umupo ng nakahilig na pasulong o kaya naman umupo ng diretso at pakalmahin ang inyong sarili
• Pangalawa, Gamit ang mga daliri ay hanapin ang feng fu spot na makakapa sa pagitan ng espasyo sa dalawang muscle sa iyong batok at ulo
• Pangatlo, Kapag nahanap mo na ang feng fu spot, Ilagay ang ice cube at panatiliin na nakadikit hanggang 10-20 minuto
• Pang-apat, Sa una makakaramdam ng panlalamig sa iyong batok. Ngunit makalipas ang kalahating minuto ay mapapalitan ito ng mainit na pakiramdam sa feng fu point
• Pang-lima, Gawin ito ng dalawang beses sa loob ng isang linggo para mas maraming benepisyong makukuha.
Mapapansin mo sa tuwing ginagawa mo ito ay magkakaroon ka ng ginhawa sa iyong pakiramdam dahil matatanggal ang tensyon sa iyong katawan.
Paalala:
Sa mga taong buntis, dumaranas ng epilepsy, at schizophrenia ay hindi nirerekomenda na gawin ito.
Comments
Post a Comment