Ang IRON ay isa sa napakahalaga sa ating katawan. Isa rin itong napakahalagang mineral na kailangan natin upang magkaroon ng magandang resistensya. Ang pagkakaroon ng kakulangan ng iron sa ating katawan ay maaaring maging sanhi ng iron deficiency anemia. Ang pagkakaroon ng Iron Deficiency ay hindi mabibigyan ng sapat na oxygen ang iba’t ibang bahagi ng ating katawan.
Ang iron ay napakahalaga para sa pagpapanatili ng kasiglahan ng buhok, tibay ng kuko at ng makinis na balat. Kaugnay rin nito ang dugo sa ating katawan.
Maaaring kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron tulad na lamang ng talaba, tahong, mani, gulay , at atay. Ang iba ay umiinom naman ng iron supplement upang mas magkaroon ng sapat na Iron sa katawan.
Kung gusto ninyong magkaroon ng ideya kung ano nga ba ang mga palatandaan o senyales na may kakulangan ka sa Iron, ibabahagi namin sa inyo sa artikulong ito. Narito ang mga senyales:
1. Unusual Tiredness o Madaling Pagkapagod
Ang pagkaramdam ng madalas na pagkapagod ay isa sa pinaka karaniwan na sintomas ng pagkakaroon ng Iron Deficiency. Ang ating katawan ay kinakailangan ng Iron para makagawa ng protina (hemoglobin) na makikita sa red blood cells. Ang hemoglobin ay tumutulong sa paghatid ng oxygen sa mga parte ng ating katawan. Kung walang sapat na hemoglobin sa ating katawan ay mababa rin ang tiyansa na mabigyan ng oxygen ang tissue at muscle na nagiging sanhi ng pagka-alis o pagbaba ng enerhiya. Kaya madalas na makararamdaman ng pagkapagod o pagkahapo.
2. Paleness o Pamumutla
Ang pagkakaroon ng maputlang balat o mapuputla ay maaaring sinyales na ng pagkakaroon ng iron deficiency. Ang hemoglobin sa red blood cells ay siyang nagbibigay ng kulay pula sa dugo. Kapag mababa o mayroong iron deficiency ay bababa rin ang pamumula ng kulay ng ating dugo. Kaya kapag mababa ang iron sa ating katawan ay siyang nagiging dahilan ng pamumutla ng ating balat. Maaari itong mauwi sa anemia na kung mapabayaan at lumala ay maaaring maging l3ukemia.
3. Headache and Dizziness
Ang pagkaramdam ng napapadalas na pananakit ng ulo at pagkahilo ay maaaring senyales ng pagkakaroon ng Iron Deficiency. Dahil sa pagkakaroon ng iron deficiency ay bumababa ang lebel ng hemoglobin sa red blood cells kaya hindi nakakakuha o makapagsupply ng sapat na oxygen para sa brain o utak. Kaya nagiging resulta ay ang blood vessel sa ating utak ay mamumugto, na maging sanhi ng pressure at hahantong sa pananakit ng ulo.
4. Dry, Damage hair and Skin
Ang pagkasira ng buhok at dry na balat ay maaaring senyales na ito ng Iron Deficiency. Dahil kung ang isang tao ay may Iron Deficiency ay limitado lamang ang oxygen ang dumadaloy sa ating sistema. Ang may mas malalang Iron Deficiency ay posibleng mag-sanhi ng pagkalagas ng buhok na hindi na normal sa tamang pagkawala ng ilang hibla ng buhok.
5. Swelling and Soreness of the mouth and Tongue
Ang pagkakaroon ng mababang hemoglobin sa Iron Deficiency ay maaaring maging sanhi ng pamumutla, pagkasugat at smooth texture ng dila. Kung napapansin niyo na ganito ang itsura ng inyong dila, ito ay posibleng senyales na kulang kayo sa Iron.
Comments
Post a Comment