Ang saging ay isa sa mga prutas na kadalasang kinakain. Ito ay dahil buong taon ay available ito at walang pinipiling panahon. Bukod sa taglay nitong sarap ay benepisyal pa ito sa ating katawan. Dahil naglalaman ito ng mga bitamina at mineral gaya na lang ng potassium na esensyal para mapanatili ang enerhiya sa katawan.
Kaya naman narito ang epekto ng pagkain ng dalawang saging araw-araw!
1. Nakakapagpababa ng presyon
Kung ikaw ay isa sa mga taong nakakaranas ng high blood, dapat ka nang kumain ng dalawang saging araw-araw. Dahil ang potassium ng saging ay nakakatulong magpababa ng presyon.
2. Pampalakas ng enerhiya
Ang mga natural sugars gaya ng sucrose, fructose at glucose na matatagpuan sa saging ay sinasabing nakakapagbigay ng agarang enerhiya sa katawan. Ito rin ay may B-complex na kailangan ng katawan para magkaroon ng enerhiya.
3. Para sa mga constipated
Kung ikaw ay nakakaranas ng constipation o hirap sa pagdumi, kumain lamang ng saging dahil ito ay mayroong insoluble fibers na nag-aabsorb ng tubig habang papunta sa iyong tiyan. Ang tubig ay nakakapagdagdag ng bulk sa iyong mga dumi at nakakatulong upang mailabas ito ng mas madali.
4. Para sa may anemia
Ang taong anemic ay nakakaranas ng pamumutla, pagkahapo, at hirap sa paghinga. Ito ay dahil sa kakulangan ng red blood cells sa katawan. Ang saging ay nagtataglay ng iron na nakakatulong sa produksyon ng red blood cells na mabuti para sa mga taong may anemia.
5. Pampaganda ng mood
Ang amino acids sa saging ay nakakatulong sa produksyon ng serotonin, isang feel-good neurotransmitter na nakakapagpaganda ng mood ng isang tao.
6. Maganda para sa utak
Ang mataas na potassium content ay benepisyal para sa utak at upang mapanatili ang pagiging alerto nito.
7. Pampapayat
Ang saging ay isang magandang diet para sa mga gustong magpapayat. Mayaman ito fibers na nakakatulong sa mga gustong magbawas ng timbang. Sinasabi na ang high fiber intake ay nakakapagpabawas ng body weight.
8. Pampatibay ng buto
Upang maiwasan ang osteoporosis, makakabuti ang pagkain ng 2 saging araw-araw dahil nagtataglay din ito ng calcium na nakakatulong upang maiwasan ang madaling pagkasira ng mga buto.
Comments
Post a Comment