Ang mga psychologists ay ang mga espesiyalista na tutmutulong upang maresolbahan ang mga problema tungkol sa takot at mga iba pang pakiramdam upang mapakalma ang sitwasyon. Gaya nila, tao rin naman sila na nakakaranas ng stress sa katawan ngunit sila ang mga nakakapagbigay ng epektibong payo upang maiwasan at mabawasan ang pagkakaroon ng stress.
Upang makatulong sa inyo para matanggal ang iyong stress, narito ang ilang natural tips na maaari ninyong sundan para mapakalama ang inyong isipan. Kailangan ninyo itong gawin tatlong beses sa isang linggo upang mabawas-bawasan ang aktres na dulot ng trabaho at ng ating paligid.
Tandaan na ang stress ang pinakaunang factor kung saan nagiging malala ang kondisyon ang isang tao. Ito ang pangunahing nagbibigay ng unhealthy na kalusugan lalo na sa mga pasyenteng may karamdaman.
Narito ang walong tips para matanggal ang stress:
1. Isulat sa papel kung ano man ang iniisip
Kinakailangan ito ng lahat ng karanasan, mga iniisisp, kasama na rin ang pakikipagugnayan sa ibang tao. Dahil kapag sinusulat mo ang mga itoay mas magiging organisado ang lahat ng iyong iniisip. Ito ay isang paraan na makakatulong para makalimot ng problema.
2. Maging mapanuri sa pagbili ng mga sangkap sa pagluluto
Kinakailangan ng masustansiya ang mga putahe na kinakain at makulay sa paningin na kaaya-ayang kainan. Upang maenganyo na kumain kahit na nakakaranas ng stress. Karamihan sa mga stressed na tao ay wala silang gana na kumain o kaya naman ay minsan nasosobrahan sila ng kain ng mga unhealthy na pagkain.
3. Magstretching araw-araw
Kinakailangan na makapag-relax din ang mga muscles ng katawan kahit hanggang 10-20 segundo lamang upang dumaloy ang dugo sa katawan. Epektibo ang pag-unat ng inyong katawan tuwing umaga upang umayos ang daloy ng inyong dugo sa katawan.
4. Iwasan ang pag-iisip ng negatibo sa mga bagay-bagay o sa ibang tao
Kinakailangan ng positibong pamamaraan sa mga bagay na hindi mo kayang hawakan. Kahit na stress ka sa isang pangyayari o sitwasyon ay harapin mo ito at huwag kang magpapagalit dito. Minsan ang mga simpleng nakakainis na bagay ay kaya naman natin palipasin at hindi na isipin pa upang hindi na madagdagan ang ating stress sa buhay.
5. Matuto mag-meditate
Ito ay ang isa sa mga epektibong payo ng mga psychologists na maklaro lahat ng iyong iniisip. Gumamit ng mga ilang paraan upang matigil ang mga masamang naiisip na hindi naman nakakatulong sa iyo. Isang mahalagang tip para marelax ang inyong utak ay ang pag-meditate araw-araw. Maaari mo itong gawin tuwing umaga, pumikit lamang ng lima hanggang sampung minuto at mag-isip ng kalmadong panahon o bagay upang dumaloy ang positibong enerhiya sa inyong katawan.
7. Maglaan ng oras sa mga paboritong gawin
Kinakailangan ng oras upang libangin ang sarili mo at hindi magpastress sa kahit anumang bagay na dumating sa iyong buhay. Magbasa ng libro, magluto, mag-ehersisyo o kahit ano man na makakapagbigay sayo ng kasayahan. Mainam din ang pag-travel sa iba't ibang lugar upang maging maaliwalas ang inyong isipan.
Comments
Post a Comment