Kaya naman pinagbabawalang kumain ng mga sobrang matamis na pagkain ang mga bata dahil sa dulot na masamang epekto nito sa katawan. At habang tumatanda ay dtapat pa ring disiplinahin ang sarili atsa pagkain ng mga sweets.
Karamihan sa mga fastfood chains at mga grocery food items ay naglalaman ng mga artificial sweeteners nang hindi natin namamalayan. Kaya naman kapag umabot na sa puntong sumobra na ang sugar sa iyong katawan, ipapakita ng inyong katawan ang mga warning signs na ito.
1. Pagtaba at pagdagdag ng timbang
Ang pagiging obese ay isa sa mga karaniwang problema ng mga tao sa buong mundo. At ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaba ay dahil sa asukal. Gaya na lang ng mga inumin tulad ng juice, softdrinks, at tea na naglalaman ng napakaraming sugar. Ang madalas na pagkonsumo nito ay nakakapagpadagdag ng mga fats sa katawan.
2. Pagkakaroon ng rashes at acne
Hindi talaga biro na ang sobrang sugar sa katawan ay nakakasama sa ating balat. Ito ay nakakapagdulot ng rashes pati na rin tighyawat at acne sa mukha.
3. Madali kang mapagod
Kung ang almusal mo sa umaga ay matamis na tinapay o di kaya ay cake, mabilis na aakyat ang iyong sugar level at pagkatapos nito ay mabilis ring babagsak kaya naman agad ka ring gugutumin. At ang resulta nito, madali ring mapagod ang iyong katawan dahil hindi ito nagkakaroon ng sapat na enerhiya para sa buong araw.
4. Mabilis kang magutom
Ang rason nito ay dahil ang iyong katawan ay nagkukulangan ng insulin. At kapag nangyari ito, ang iyong katawan ay hindi normal na nakakapag-transport ng glucose molecules sa iyong dug0 papunta sa mga cells kung saan dapat ginagamit ito bilang 'fuel' para sa cellular processes.
5. Madalas na nagiging iritable
Ang pagkakaroon ng mataas na lebel ng sugar sa katawan ay nakakapagdulot ng depresyon sa isang tao. At ang taong mayroon nito ay hindi makapag-isip ng tama kaya naman madali siyang mapagod at nagiging balisa o iritable.
6. Madali kang kapitan ng sak!t
Kapag ang iyong blood glucose ay nanatiling mataas, ang iyong immune system ay humihina upang malaban ang mga imp*ksyon. At kapag nangyari ito, mas madaling kumapit ang mga mikrobyo sa iyong katawan.
Narito ang ilan pang senyales na mataas ang iyong sugar sa katawan:
1. Matinding constipation o diarrhea
2. Pananakit ng ulo
3. Panunuyo at pangangati ng balat
4. Mabagal na paggaling ng mga sugat
5. Kahirapan sa pagbabawas ng timbang kahit na ikaw ay nageehersisyo na
Mga paraan upang mabawasan ang pagkonsumo ng sugar:
1. Imbes na uminom ng mga juice, softdrinks, at teas uminom na lamang ng tubig
2. Kumain na lamang ng mga prutas imbes na mga matatamis na dessert
3. Kapag kakain ng salad, ipagpalit na lang sweet salad dressings gaya ng honey-mustard sa olive oil at suka
4. Bawasan ang pagkain ng mga breakfast cereals sa umaga
Comments
Post a Comment