Natatakot ka ba ma-Fall Out of Love sa Iyong Partner? Narito ang Senyales na Hindi na Siya 'Inlove' Sayo!
Napakasarap nga naman talaga magmahal ng taong mahal din tayo. Maraming klase ng pagmamahal ang mayroon ang isang tao at hindi lahat ng ating mahal ay ibig sabihin 'in love' tayo. Kung gaano kadali mainlove sa isang tao, ganun din kadali ang ma-fall out of love. Kaya naman isa itong pinakakinakatakutan ng mga taong nasa isang relasyon ito ay nakakasira ng dalawang tao
Senyales na na-fall out of love na sayo ang partner mo:
1. Pagkawalan ng interes
Ang mga taong in-love ay maraming enerhiya para gawin ang mga bagay-bagay para sa kanilang minamahal. Ginagawa nila ang lahat para lang makita at makasama ka. Ngunit kung napapansin mo na kulang sa effort at madalas na tinatamad ang iyong partner na dalawin ka o surpresahin, isa itong senyales na posibleng na-fafall out of love na ang iyong partner. Ang taong nawawalan na ng interes sa kanyang minamahal ay isang nakaka-alertong bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
2. Kapag laging mayroon ng distansya o gap sa inyong dalawa
Kapag napapansin ninyo na unti-unti ng nagkakaroon ng distansya o gap sa pagitan ng iyong partner, tandaan na isa na itong nakakaalarmang senyales na na-fafall out of love na ang iyong partner. Ang dalawang taong in love ay laging mayroong closeness at bond na kahit sila ay mag-away, babalik pa rin ang loob nila sa isa't isa. Subalit kung madalas kayong mag-away at tila napapalayo na ang isa, kailangan mo ng gumawa ng aksyon para maisalba ito.
3. Madalas na tumatanggi sa Physical Intimacy
Ang mga taong umiibig at nag-iibigan ay walang sawang ipinaparamdam sa kanilang partner na tila naghahangad ito ng intimacy o touch sa kanyang partner. Kaya kung madalas na lumalayo o tumatanggi ang iyong partner sa tuwing kayo ay maglalambingan, isa itong senyales na posibleng na-fall out na ang isa sa relasyon.
4. Nasa iba na ang Atensyon
Ang taong inlove ay madalas na humingi ng atensyon sa kanyang partner. Subalit kung napapansin mo na madalas hindi na saiyo ang focus ng atensyon niya o tila hindi na ito humahangad ng iyong atensyon, posibleng naibaling na niya ang atensyon niya sa iba. Importante na lagi kayong gumawa ng paraan kung ano nga ba ba ang dapat gawin para mapasaya ang iyong partner. Dahil kung hindi at nagtuloy-tuloy ang pagkawala ng atensyon niya sayo, maaaring ma-fall out na lamang ito.
5. Hindi ka na pinapahalagahan
Kung pinapahalagahan mo ang iyong partner at nararamdaman mong natagpuan mo na ang soul mate mo ay maaaring ikaw ay in-love pa. Ngunit kung hindi mo maramdaman sa iyong partner na siya ang bumubuo sa iyo ay maaaring may problema na kayo sa inyong relasyon. Kung madalas ay napapansin mo na tila hindi ka na pinapahalagahan nito, isa na itong senyales na hindi ka na niya mahal.
6. Pagkawala ng respeto
Respeto ang isa sa pinakamahalaga sa isang relasyon. Ang taong na-fall out of love na sakanyang partner ay madalas ng walang respeto sa relasyon. Maaaring hindi na siya tumutupad sa inyong usapan, madalas na siyang magsinungaling, madalas ka na nitong balewalain o palagi na niyang tinatapakan ang iyong pagkatao. Isa itong senyales na hindi na siya in-love sayo.
Ilan lamang yan sa mga senyales na nawawalan na ng pagmamahal ang iyong partner. Marami pang ibang posibleng senyales na kailangan mong mapansin. Kaya naman kung ayaw mo itong mawala saiyo, pahalagahan at pasayahin mo ang iyong partner sa tipong hindi ka na niya kayang mawala.
Comments
Post a Comment