
Mahirap ang nagkakasakit. Bukod sa ito ay magastos, ay nakakapanghina pa ng katawan. Ngunit maliban sa pag-inom ng gamot na pampagaling ay mayroon ding mga pagkain na dapat kainin tuwing ikaw ay may lagnat o trangkaso upang mas mabilis kang gumaling.
Narito ang mga listahan ng mga pagkain na dapat mong kainin kapag ikaw ay nilalagnat upang agad na manumbalik ang iyong lakas at resistensya.
1. Chicken Soup
Ang sabaw na may sahog na manok ay matagal ng recipe na ginagamit at ipinapakain sa mga may lagnat. Dahil ito ay isang masaganang source ng bitamina, mineral, calories, at protina na kailangan ng iyong katawan upang manumbalik ang sigla. Ito ay mabisa ring pampawala ng bara ng ilong dahil sa sipon.
2. Bawang
Ang bawang ay isang napakabisang medisinal herb dahil sa properties nito na antibacterial, antiviral, at anti-fungal. May kakayahan din itong labanan ang mga common colds ad flu symptoms sa pamamagitan ng pagpapalakas ng immune system. Maaaring maglagay ng bawang sa sabaw na ihahain sa may lagnat.
3. Honey
Ang honey ay mayroon mataas na antimicrobial compounds kaya naman ipinapainom ito sa mga taong may lagnat na may kasamang sore throat. Ayon sa mga pag-aaral, nakakatulong ito na maibsan ang pag-ubo. Ngunit iwasang ibigay ito sa mga bata na wala pa sa 1 taong gulang.
4. Saging
Ang saging ay magandang pagkain para sa may lagnat o trangkaso. Dahil sa ibang mga pagkakataon ay nararanasan din ng taong may lagnat ang diarrhea at pagsusuka. Mainam ang saging upang maibalik ang mga nutrients na nawawala sa katawan at binibigyan nito ng enerhiya ang katawan.
5. Yogurt
Ang yogurt ay sagana sa calcium at iba pang bitamina at mineral. Nakakapag-paginhawa din ito sa lalamunan kapag ikaw ay may sore throat. Ang taglay nitong probiotics ay nakakatulong sa pagpapalakas ng immune system
6. Sabaw ng buko
Kailangan ng iyong katawan na maging hydrated kapag ikaw ay may lagnat dahil ito ang makakatulong sayo upang mag-evaporate ng init sa iyong katawan. Minsan ang pag-inom lamang ng tubig ay hindi sapat. Kinakailangan din ng iyong katawan ang mga electrolytes upang hindi ka manghina. At ang sabaw ng buko ay isang magandang natural energy drink kumpara sa mga artipisyal na energy drinks sa mercado. Makakasigurado ka pa na ito ay safe at all natural.
7. Avocado
Ang avocado ay isa magandang source ng fiber, vitamins, at minerals. Mainam din itong ipakain sa taong may lagnat o trangkaso dahil nagtataglay ito ng mga calories at bitamina na kailangan ng iyong katawan. Bukod pa doon ay madali itong kainin dahil sa soft texture nito. Nagtataglay din ito ng oleic acid na nakakatulong upang bawasan ang implamasyon sa katawan.
Comments
Post a Comment