Ang pagligo araw-araw ay napakaganda para sa malinis na pangangatawan at para na rin sa malusog na kalusugan. Mula sa anit hanggang sa talampakan ay araw-araw nating dapat na malinisan.
Narito ang Pitong Parte ng Katwan na hindi natin nahuhugasan ng mabuti
1. Hands
Lagi nating naririrnig na, maghugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain, pagkatapos nagCR at iba pang mga gawain na gagawin. Ngunit hindi nagagawang nalilinasan ng maayos ang mga kamay para hindi kumalat ang mga germs. Ang hindi paghuhugas ng mga kamay ay maaaring maging sanhi ng mga sakit dahil mula sa isang tao maaaring malipat sa isa pang tao ang germs at maaaring kumalat pa ang mga ito.
2. Face
Marami sa atin na gumagamit ng iba’t ibang pampahid sa mga mukha para sa pagpapaganda rito. May mga make up, soap, cleanser, toner at kung ano ano pa. Ngunit ayon sa mga dalubhasa hindi maganda na masobrahan ng pampahid ang ating mukha dahil imbes na matanggal nito ang mga d*** skin cells sa ating mukha ay maaaring masira ito. Ano man ang ipahid sa ating mukha tiyakin na nahugasan ng maayos ang ano mang ipinahid sa ating mukha at punasan ng malambot na tiwalya.
3. Scalp
Minsan kahit araw-araw na nililinisan ang buhok, hindi pa rin maiwasan na hindi malinisan ng maayos ang ating anit. Minsan nagkakaroon ng dandruff dahil sa hindi maayos na paglilinis sa ating buhok. Ang dapat na gawin ay masahiin ng ating mga kamay an gating buhok habang nilalagyan ng shampoo o conditioner. Kapag natapos habang binabanlawan patuloy na masahiin an gating buhok para matanggal ang mga inilagay sa ating anit at para malinisan ito ng maayos.
4. Teeth
Ang alam ng karamihan kapag nakapagtoothbrush na ng tatlong beses sa isang araw ay sapat na para malinisan ang mga ngipin. Ngunit hindi ito tama dahil ang pagtoothbrush ay isa lamang sa paraan para malinisan ang ngipin dahil kinakailangan na gumamit ng floss kapag natapos mag toothbrush. Kapag hindi ito ginawa maiiwan ang pumipinsalang bakterya sa ating bibig. At pangatlo ay gumamit ng mouthwash.
5. Ears
Nakasanayan na natin na araw-araw nating nililinisan ang tenga gamit ang Q-tips. Ngunit hindi ito tama dahil ang maaaring mangyari ay tinutulak nito ang mga dumi sa ating tenga imbes na lumabas ito. At ang mga dumi sa ating tenga ay kusa itong malilinis sa pamamagitan ng kusang pagangat at paglabas nito sa loob ng tenga. Gumamit lamang ng malambot na tela at punasan ang labas ng tenga para mapanatili ang kalinisan nito.
6. Feet
Hindi sapat na nadadaluyan ng tubig at sabon ang mga paa at masasabing malinis na ito. Kinakailangan na sabunan ito, kiskisin, at banlawan ng mabuti para matanggal ang bakterya at punasan ng mabuti para matuyo. Gawin ito araw-araw at bago matulog para maiwasan ang pagkakaroon ng amoy sa paa, at alipunga.
7. Belly Button
Ayon sa pagaaral ang pusod ang pinaka maduming parte ng katawan dahil maraming mga bakterya ang naninirahan dito. Hindi sapat na madaluyan ng tubig at sabon ang pusod para masasabing malinis na ito. Sa paghawak sa pusod ay maaaring maikalat mo ang germ sa iba pang parte ng katawan. Kaya ang dapat na gawin ay kumuha ng malambot na basang tela o bulak na may sabon at dahan-dahang linisan ito.
Comments
Post a Comment