Ang enerhiya ng ating katawan ay nakadepende sa ating pagkain. Dahil ito ang nagbibigay ng lakas at sigla sa ating pangangatawan upang magampanan ang ating mga pang araw-araw na gawain.
Normal lang na tayo ay magutom lalo na't kapag natapos ang ating gawain. Ngunit ang pagkagutom ng sobra-sobra at hindi na normal ay maaaring senyales na ito ng isang s^kit. Sa medical term, ito ay tinatawag na 'polyphagia,' o ang labis na pagkagutom na maaaring senyales ng isang nararanasang kondisyon.
Narito ang mga kondisyon na posibleng dahilan ng iyong labis na pagkagutom:
1. Diabetes
Ang madaling pagkagutom ay isa sa mga senyales ng isang taong may diabetes kasama na rito ang labis na pagkauhaw at palaging naiihi. Ang ating katawan ang nagco-convert ng sugar sa pagkain upang maging glucose na nagsisilbing 'fuel' ng katawan.
Ngunit kapag ikaw ay mayroong diabetes, ang glucose na ito ay hindi umaabot sa iyong mga cells. Sa halip ay inilalabas ito sa pag-ihi kaya ang iyong pagkagutom ay dumadalas.
2. Low blo0d sugar
Ang kondisyong ito ay tinatawag na hypoglycemia, na kung saan ang sugar level ng iyong katawan ay bumabagsak. Karaniwang nararanasan ito ng mga diabetic ngunit pwede rin itong maranasan ng mga taong walang diabetes. Ang ilang sintomas nito ay pagpapawis, palpitations, pamumutla, pagkahilo, panginginig, at pagkabalisa.
3. Kakulangan sa tulog
Kapag ang iyong katawan ay hindi nagkakaroon ng sapat na tulog, naaapektuhan din ang iyong mga hormones na nagkokontrol ng iyong 'hunger' o pagkagutom. Ayon sa mga pag-aaral, ang mga taong walang sapat na tulog ay mas napapakain ng marami at mas madaling magutom sa buong mag-araw.
4. Overactive thyroid/ hyperthyroidism
Ang ating thyroid ang siyang nagpo-produce ng mga hormones na nagreregulate ng mga iba't ibang proseso ng katawan, kasama na rito ang metabolismo. Kapag ang iyong thyroid ay overactive, mararanasan mo ang labis na pagkagutom, pagka-uhaw, panghihina, pagpapawis, nerbyos, at pagbilis ng tibok ng puso.
5. Stress
Ang stress ay nakakapagpataas ng lebel ng hormone na cortisol na responsable sa ating pagkagutom. Ang isang taong nakakaranas ng stress ay mas napapakain ng mga matataba, matatamis, at unhealthy na pagkain.
6. Pagbubuntis
Mas mabilis na gutumin ang isang babaeng nagdadalang-tao dahil sa sanggol na kanyang dinadala. Kinakailangan din ng sanggol sa kanyang sinapupunan ang nutrisyon para sa kanyang growth at development. At dahil narin ito sa pagbabago ng kanyang hormones sa katawan.
7. Maling diyeta
Hindi lahat ng pagkain ay pare-pareho na nakakapagpabusog ng matagal. Ang mga tinapay, ready-made meals, at mga fastfoods ay may mataas na fats at unhealthy carbs na nakakapagpabusog ng panandalian, ngunit makalipas ng ilang oras ay madaling kang gugutumin. Kaya piliin ang mga pagkaing mataas sa protina gaya ng karne, isda, at dairy products o mga pagkaing mayaman sa fiber tulad ng prutas, gulay, beans at whole grains.
sakin po anung ibig sabihin po nito?
ReplyDeletemabilis po akong magutum tapos maya maya po ako ihi po tapos parating nauuhaw?. tapos po mahapdi yung tyan ko matagal po to naramdaman ko po 19 years olf palang ako?.
Same
Deletesame.. baka kulang sa tubig or tumataas sugar level nten
DeleteSakin po anu po to bakit po, lagi rin po kung nagugutom. Kahit kakain ko lang ng kain. Tapus mga kalahating oras guto, agad., tapus po, yung lalamunan, ko po, parang may, bakal., kasi lagi pong ang bigat
ReplyDeletesakin din ganyan nararamdaman ko parang may nakabara sa lalamunan ko
DeleteSakin po lagi po akong gutom sa mga oras ng madaling araw 1am
ReplyDeleteSakin po lagi akong gutom twing mag ka-quarter 4 o 4 am na talaga.
ReplyDeleteLagi aq nanghihina mabigat Ang dibdib gutom pag 1am
ReplyDelete