Maaaring masarap nga ang asukal at halos imposibleng hindi dumaan ang isang araw na hindi tayo kumakain nito. Ngunit, kapag ikaw ay nasobrahan sa asukal maaaring maapektuhan nito ang iyong pangkalahatang kalusugan na humahantong sa bilang ng mga sak!t.
Narito ang ilan sa mga senyales na ang iyong katawan ay mataas ang pagkonsumo ng matatamis o ng asukal:
1. Kakulangan ng enerhiya o Pagkaramdam ng pagod
Ang asukal ay nakakatulong upang mapalakas ang iyong enerhiya ngunit ito ay pansamantala lamang. Kaya kung ikaw ay nakakaramdam ng pagkawala ng enerhiya o pagod sa matagal na panahon, maaaring ikaw ay sobra sa asukal. Suriin ang iyong pandiyetang pagkain at tignan kung ikaw ay nagkokonsumo ng madaming asukal.
2. Problema sa balat at paa o pangingitim ng ibabang bahagi ng iyong mata
Ang sobrang pagkonsumo ng asukal ay maaaring maging dahilan ng problema sa iyong balat. Maaaring maging sanhi ng iyong rosacea, acne, eksema, o kahit labis na pagkatuyo o pagkasunog. Kung binabagabag ka ng iyong problem sa balat at ang mga medikal na paggamot ay hindi nakakatulong, subukan na baguhin ang iyong diyeta at limitahan ang pagkain ng maraming asukal.
3. Madalas ka magkaroon ng ubo at sore throat
Kung madalas mong napapansin na ikaw ay mayroon ng sore throat o ubo, ito ay isang senyales na marami ka ng nakokonsumo na asukal sa iyong katawan. Tandaan na ang mga bakteriya ay mas lalong lumalala at kumakapit sa katawan ang mga ito kapag tayo ay kumakain ng matamis at unhealthy na pagkain.
4. Madalas na pagkakaroon ng sipon o trangkaso
Ang pagkonsumo ng madaming asukal sa matagal na panahon ay maaaring magpahina ng iyong immune system at ang kakayahan nitong labanan ang mga sak!t. Mapipigilan ito sa pamamagitan ng pag iwas sa mga pagkain na dinadagdagan ng matatamis.
5. Malabo o magulo ang pag-iisip, lalo na pagkatapos kumain
Ang pagkakalabo ng pag-iisip pagkatapos kumain ay isa pang sintomas ng pagkonsumo ng madaming asukal. Maaaring mangyari din ito pagkatapos uminom ng mga matatamis na inumin. Ang pagkagulo ng pag-iisip ay nangyayari pagkatapos kumonsumo ng madaming asukal na nagreresulta sa mabilis na pagdagdag at pagbaba ng antas ng dugo.
6. Nadadagdagan ang ng iyong timbang
Ang asukal ay napupuno lamang ng mga matataas na calories dahil hindi ito naglalaman ng protina at hibla, kaya kung gaano kadami ang iyong kinukonsumo, mas dadagdag ang iyong timbang. Ang sobrang asukal ay humahantong sa labis na produksyon ng insulin, na sa dulo ay maaaring mauwi sa diabetes.
7. Nagiiba na ang iyong panlasa at mas hinahanap hanap mo ang ibang pagkain
Ipinapakita sa pag-aaral na ang pagtaas ng pagkonsumo ng asukal ay maaaring magpabago ng lasa nito para sayo. Nangangahulugan ito na kakailanganin mo ang higit at mas maraming asukal upang makuha mo ang lasang gusto o hinahanap mo. Ang lunas sa ganitong kaso ay bawasan ang pagkonsumo ng matatamis upang masanay ang iyong panlasa sa ibang pagkain.
Comments
Post a Comment