Popular sa Germany ang Epektibong Lunas na Ito Para Matanggal ang Lagnat ng Bata at Bumaba ang Temperatura Nito!
Isang epektibong paraan na popular sa Germany para matanggal ang lagnat ng isang bata ay ang ibabahagi namin sa artikulong ito.
Kwento ng isang Ama sa Germany na dinala niya ang kanyang anak sa Doktor nung ito ay nagkaroon ng Flu. Nang ito ay sinuri ng doktor, ang payo nito ay iuwi na lamang ang bata upang ito ay makapagpahinga.
Laking pagtataka ng Tatay ng bata kung bakit hindi nagbigay ng reseta ng gamot ang Doktor. Kaya naman tinanong niya ito kung ano ang kailangan inumin ng kanyang anak.
Ang payo lamang ng doktor ay obserbahan ang bata ng ilang araw at kung walang komplikasyon sa loob ng dalawang araw ay hayaan lang daw ito na labanan ng kanyang immune systemang mga virus dahil ito ay makakatulong pampatibay ng kanyang sistema. Sinunod naman niya ang payo ng Doktor at gumaling ang kanyang anak sa Flu kahit walang ininom na gamot.
Ang practice sa Germany ay magbibigay lamang ang mga Pediatricians ng libreng consultation kung ano ang mga dapat gawin kapag dinapuan ng lagnat o Flu ang mga bata bago sila ulit magreseta ng mga gamot.
Ang Effective Method para sa mga bata ay ang tinatawag na "Cooling Method". Ito ay isang paunang panlunas para sa mga batang may lagnat na kasalukuyang isinasagawa ng bawat pamilya sa Germany.
Narito kung paano isasagawa ang Cooling Method para sa Bata:
1. Kumuha ng palanggana at magtimpla ng maligamgam na tubig
2. Ibabad ang dalawang towel hanggang sa mabasa ng buo
3. Pigain ang towel at iladlad
4. Ilagay ang towel sa bawat binti ng iyong anak. Maghintay ng 20 minuto at punasan ng dry towel pagkatapos.
5. Ulit ulitin lamang ang mga sumusunod na nabanggit hanggang sa bumaba ang temperatura ng iyong anak.
Maaari mo rin painumin ng paracetamol ang iyong anak at pagkatapos ay gawin ang prosesong ito upang mas makatulong na makapagpababa ng temperatura ng bata.
Comments
Post a Comment