Karaniwan nang napapabalita ang mga batang naaaks!dente dahil sa escalator. May mga nakukuhanan ng video na nakapagbibigay ng alarma sa mga magulang at manunuod. Ngunit hindi pa rin nabibigyan ng sapat na pagpapahalaga dahil paulit-ulit lamang na nangyayari ang mga insidente. Kaya ang artikulong ito ay makapagbibigay ng kaalaman sa mga magulang at mailalayo sa kapahamakan ang mga bata.
Madalas na makatagpo ng aks!dente sa escalator ng mga mall ang mga batang nasa edad na 5 at pababa. Hindi na nakakagulat na sinisisi ng mga netizens ang magulang ng mga bata dahil sa kanilang kapabayaan. Pero ang nararapat na gawin ay bigyan ng pansin at kamalayan ang mga insidenteng nangyayari.
Maging-aral ito sa mga magulang na delikado ang escalator sa kanilang anak. Kaya basahin ang mga sumusunod na magbibigay ng kaalaman at kamalayan sa inyo kapag nasa escalator kasama ang inyong anak o kapatid. Para sa ikabubuti at ikalalayo sa kapahamakan ng inyong anak.
1. Hawakan ang kamay ng inyong anak kahit na ito ay nagpupumiglas
Ayon sa baby center ang mga batang nasa edad na dalawang taon ay kaya nang tumayo kasama ng magulang sa escalator. Ngunit kinakailangan na hawakan ang kamay ng iyong anak. Kahit ang mga edad na dalawa hanggang lima ay kailangan pa rin na hawakan ang kanilang mga kamay dahil ito ang mga edad na napakilot at dapat na binibigyan ng attention dahil maaaring mahulog ito.
2. Buhatin ang bata upang mas sigurado
Ang pagkakarga sa bata habang nasa escalator ay makatutulong para maiwasan ang panganib sa inyong anak na maipit o mahulog sa escalator o ano sa mang aks!dente. Napakaganda nitong pamamaraan lalo na sa mga batang sobrang energetic at pagod. Sabi nga nila It’s better to be safe than sorry.
3. Bigyan ng tamang instruction at babala ang inyong mga anak sa pagakya at pag baba
Ang pagtapak at pagalis sa escalator ay automatikong paguugali na natutunan ng mga nakatatanda. Ngunit ang mga nasa edad na pito pababa ay kinakailangan ng gabay. Kaya bago pa man kayo pumunta o sumakay ng escalator ay turuan na ang iyong anak kung paano ang tamang pagapak dito at pag-alis. Kinakailangan na maintindihan na niya at makapagresponde agad sa iyong ibibigay na direksyon.
4. Huwag na huwag ninyong hahayaan na umupo ang inyong anak sa steps ng escalator
Turuan ang iyong anak ng tamang pamamaraan kung ano ang dapat at hindi dapat na gawin sa pagsakay sa escalator. Karamihan sa mga naaksidente sa escalator ay dahil sa mga kalikutan ng bata. Tulad ng pagupo, paglakad, pagtakbo, paglalaro at kung ano pang mga hindi dapat na gawin kapag nakasakay sa escalator.
5. Turuan na gumitna ang bata sa escalator
Ang mga bata ay madaling maipit sa espasyo sa pagitan ng escalator step at sidewall dahil sa kanilang maliliit na kamay at paa. Kaya para maiwasan ito turuan o panatilihing nakatayo ang iyong anak sa gitna ng mga baitang ng escalator at hawakan ang kamay ng iyong anak habang ang isa pang kamay ay nakahawak sa handrails.
6. Huwag isakay ang bata sa stroller habang nakasakay ng escalator
Ayon sa pag-aaral madalas na naaaks!dente ang mga bata sa escalator dahil sa pagkakaipit. Ngunit may porsyento na dahil sa pagkakalaglag ng bata sa stroller. Kung pupunta ka ng mall at gamit ang stroller para hindi buhatin ng iyong anak ay mainam na gumamit ng elevator kaysa sa escalator para maiwasan at mailalayo sa kapahamakan ang iyong anak.
7. Tignan ng mabuti ang suot ng bata na sapatos at damit
Kung nakasapatos at maraming mga kaartehan ang sandals ng iyong anak ay dapat na tiyaking mabuti kung nakatali ba ito ng tama. Dahil ito ang isa sa mga nagiging sanhi ng mga aks!dente sa escalator. Ang pinakamabuting gawin ng mga magulang ay bigyan ng attention at pagpapaalala ang iyong anak.
Comments
Post a Comment