
Ang vertigo ay isang pakiramdam ng pagkahilo kung akala mo ay umiikot ang iyong paligid. Ito ay maaaring dulot ng iba't ibang kondisyon gaya ng problema sa loob na parte ng tenga, utak, o sensory nerve pathway.
Ito ay maaaring maranasan kahit sino, ngunit ito ay karaniwan sa mga taong nasa edad 65 pataas. Maaari rin itong panandalian o pangmatagalan. Ang pagkakaroon ng vertigo ay mahirap dahil naaantala ang mga pang-araw araw na gawain at maaaring mauwi sa pagkabalisa o depresyon.
Narito ang mga senyales upang malaman kung ito ay vertigo:
- Kawalan ng balanse
- Pagkahilo
- Pagsusuka
- Masak!t na ulo
- Pakiramdam na nabibingi
- Tinnitus o parang may nagri-ring sa iyong tenga
Narito ang mga dapat mong gawin kung nakakaranas ka ng VERTIGO upang guminhawa ang pakiramdam:
1. Humiga o umupo
Kapag matindi ang iyong pagkahilo, iwasan ang gumalaw ng gumalaw dahil maaari lang lumala ang iyong kondisyon. makakabuti kung humiga muna o umupo sa isang tabi at i-steady muna ang katawan at ulo.
2. Gumalaw ng dahan dahan
Ang biglaang paggalaw, pag-upo, o pagtayo ay lalo lang nakakapagpalala sa pagkahilo o pagkawala ng paningin. Mainam na gumalaw lamang ng dahan dahan at huwag biglain ang katawan.
3. I-massage ang legs
Kung ang pagkahilo ay dahil sa biglaang pagtayo, galaw galawin ang iyong mga hita at paa. Maaaring imassage ito ng dahan dahan upang manumbalik ang sirkulasyon ng dugo sa katawan.
4. Maglagay ng mga sapin sa banyo
Makakabuting ikaw ay safe kapag palagi kang inaatake ng vertigo lalo na kapag ikaw ay mag-isa lang sa bahay. Maglagay ng mga safety handrails at mga rubber floor mats sa banyo upang hindi madulas sakaling mahilo ka.
5. Uminom ng tubig
Kapag ang iyong katawan ay kulang sa tubig, maaaring bumagsak ang iyong blood pressure. Isa itong pinaka-iniiwasang mangyari dahil sa mga delikadong komplikasyon na maidudulot nito. Uminom ng 8-12 na basong tubig araw araw.
6. Uminom ng salabat
Upang maibsan ang pagkahilo, uminom ng salabat ng gawa sa luya.
7. Bawasan ang stress
Napakaraming bagay na nakakapagdulot ng stress sa katawan at ito ay hindi maganda para sa kalusugan. Ang taong palaging nai-istress ay kadalasang nakakaranas ng pagsak!t ng ulo o pagkahilo na pwedeng mag-trigger sa iyong vertigo. Kaya bawasan at iwasan ang stress sa katawan.
8. Ipress ang parte sa pagitan ng iyong dalawang mata
Ang parteng ito o tinatawag din na third eye point ay isang acupressure point na nakakatulong magpawala ng sak!t ng ulo at makapagconcentrate. Idiin ito gamit ang iyong daliri sa loob ng 1 minuto.
9. Magrelax
Kapag nakakaranas ng vertigo, huwag magpanic dahil maaari kang mawalan agad ng balanse at hindi na makapagconcentrate sa iyong dapat gawin. Kapag nakaramdam ka nang ng pagkahilo, magrelax muna. Itigil muna ang iyong ginagawa at huminga ng malalim at dahan dahan.
10. Huwag kakalimutang magpacheck up sa doktor
Kapag kaya mo na ulit maglakad at magbalanse, makakabuti kung ipapasuri sa doktor ang iyong kalagayan upang mabigyan ka ng mga karampatang medikasyon para sa vertigo.
Comments
Post a Comment