Kadalasan, ang pagkakaroon ng mataas na presyon o high blood lang ang pangunahing concern ng mga tao. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang pagbaba ng presyon o pagkakaroon ng low blood pressure ay dapat ding bigyan ng pansin.
Ang low blood pressure o tinatawag ding 'hypotension' ay maaaring delikado rin sa ating kalusugan. Ito ay ang pagbaba ng presyon na mas mababa pa sa 90/60.
Narito ang mga kondisyong nagdudulot ng low blood pressure:
1. Orthostatic hypotension
Ito ay ang biglaang pagbaba ng presyon kapag ang isang taong nakahiga ay biglang bumangon o tumayo. Nararnasan ng isang tao ang biglang pagkahilo o pagdilim ng paningin.
2. Dehydration
Kapag ang tubig sa katawan ay nawawala, madali ring bumaba ang presyon ng isang tao. Ang dehydration ay maaaring dulot ng pagsusuka, lagnat, diarhea, at iba pang nakakapagod na gawain.
3. Pagbubuntis
Dahil sa pagbabago sa katawan ng isang babaeng nagdadalang tao, ang kanyang mga ugat ay nag-eexpand na siyang dahilan ng pagbaba ng presyon.
4. Ibang medikasyon
Ang ibang medikasyon na panlunas sa high blood ay may tiyansang makapagpabagsak ng presyon ng isang tao. Kaya kung hindi sigurado sa iniinom na gamot,mas makakabuti kung ikonsulta muna sa doktor.
Narito naman ang mga sintomas na dapat mong malaman kung ikaw ay may low blood:
- pagkahilo
- blurred na paningin
- pagkalito
- nanlalamig na balat
- parang hinahabol ang paghinga
- fainting o pagkahimat*y
- mabilis na pagtibok ng puso
- kahirapang magconcentrate
- pagsusuka o pagduduwal
- mabilis at malakas na tibok ng pulso
- chest pain
- laging nauuhaw
Mga dapat gawin upang maiwasan ang low blood pressure:
- Uminom ng maraming tubig lalo na kung may lagnat o flu
- Magkaroon ng regular exercise para gumanda ang daloy ng dugo
- Magingat sa biglang pag-upo kapag babangon
- Ielevate ang ulo kapag natutulog
- Umiwas ng nakatayo ng matagal
- Huwag magbuhat ng mabibigat
- Gumamit ng support stockings
Comments
Post a Comment