Subukan ang Labanos Soup Bilang Effective Home Remedy Para sa mga Bata na Madalas Magkaroon ng Ubo at Mahinang Immune System!
Kadalasan, mahina ang mga immune system ng mga bata lalo na ang mga edad 1-5 taong gulang dahil hindi pa kinakaya ng kanilang katawan ang iba’t ibang virus at bakterya na maaaring pumasok sa loob ng kanilan sistema.
Sila ang madalas na kapitan ng virus at bacterial inf*ction kung saan posibleng magdulot ng panghihina ng katawan. Kaya sa mga sandaling madapuan sila, madali lamang silang magkaroon ng lagnat, ubo at sipon.
Kapag hindi nabibigyan ng tamang lunas ang iyong anak ay maaaring ikakala ito ng kanyang kalagayan at magdulot ng iba pang malalang kondisyon.
Ngunit huwag ka nang mag-alala dahil gamit lanag ang isang gulay ay makatutulong na ito sa paglunas ng ubo, lagnat, sipon at flu ng iyong anak. Ito rin ay mabisa upang lumakas ang kanyang immune system.
Ang labanos ay naglalaman din ng active enzymes na nakakapagbigay ng benepisyo para sa maayos na pantunaw. At mataas rin ang nilalaman na antioxidant na tulad ng matatagpuan sa mga prutas na citrus at gulay.
Maraming benepisyo pa ang maaaring makuha mula sa labanos. Kaya subukan ng gawin ang white labanos soup kung isa sa iyong kapamilya ay dinapuan ng ubo, sipon o lagnat.
Paano gawin ang labanos soup?
• Una, Putulin ang tumpok ng puting labanos at hugasan ito
• Pangalawa, hiwain ang labanos ngunit huwag itong babalatan
• Pangatlo, Ilagay ang kaserola sa lutuan at lagyan ito ng tubig. Idagdag ang hiniwang labanos at antayin itong lumambot
• Pang-apat, Pakuluan ito ng sampu hanggang labing limang minuto hanggang lumabas ang katas ng labanos. Pwede mo rin itong dagdagan ng pampalasa upang magustuhan ito ng mga bata pero mas mainam kung ito ay iinumin ng pure.
• Pang-lima, Kapag lumambot na ang labanos, patayin na ang lutuan at palamigin na ito ng kaunti. Ilagay na lalagyanan. At maaari mo na itong ipakain o iserve ang labanos at soup sa iyong anak.
Mabilis itong makapagpalakas ng immune system dahil ito ay nasa liquid form kung saan mas mabilis ang absorption nito sa ating katawan.
Comments
Post a Comment