Lahat tayo ay naghahangad ng napakagandang balat dahil ito ay ang pinakamalaking parte ng ating katawan. Hindi maiaalis na unang napapansin ng mga tao ay ang ating kutis o balat. Kaya kung minsan mapapatanong ka nalang sa iyong sarili kung ano nga ba ang sikreto ng mga Koreans at Japanese na may napakaflawless na kutis. Ibabahagi namin sa artikulong ito kung ano ang kanilang lifestyle kaya nila na-achieve ang ganitong balat.
Basahin ang mga sumusunod na tips na makatutulong sa iyo para sa pagpapalusog at pagpapanatili ng kabigha-bighaning kagandahan ng kutis.
Simpleng lamang ang mga tips na ito at hindi mo kailangan gumasta para lang magkaroon ng magandang balat. Subukan sundin ang mga sumusunod ng dalawang linggo at mapapansin niyo na mas gaganda ang iyong balat.
1. Hugasan ang mukha gamit ang nararapat na facial cleanser
Hugasan ng dahan-dahan ang iyong mukha tuwing umaga pagkagising at bago matulog para matanggal ang mga oil na naipon sa inyong balat. Huwag hayaan na matulog ng nakamake-up dahil magiging sanhi ito ng acne, pimples at pagkairita ng balat. Sa pagpili ng facial cleanser, piliin ang mga produktong hindi mahapdi sa balat at subukan itong sa loob ng 21 na araw. Kung nag-improve ang balat, ibig sabihin ay akma saiyo ang nabiling produkto.
2. Laging gumamit ng Facial Mask
Nauuso na ngayon ang iba't ibang klaseng facial mask para sa pampaganda ng kutis. Alam niyo ba na isa itong epektibong paraan para magkaroon ng smooth facial skin? Kung papansin niyo ang madalas na gumagamit nito ay ang mga Koreans na may napakaflawless na kutis. Maaari niyo itong subukan tatlong beses sa isang linggo at makikita niyo ang pinagkaiba sa inyong balat.
3. Huwag magbababad sa init ng araw
Paulit ulit nating nababasa ang ganitong tips na kung saan pinapaiwas tayo na magbabad sa araw dahil ang pagbababad sa araw ay talagang nakakapangit ng ating kutis. Pumili ng mga produkto na may SPF 50 pataas na makakapagprotekta sa iyong balat at mukha, laban sa sikat ng araw na nagdudulot ng pagkasira at pagkasunog ng kutis. Gumamit rin ng mga bagay na makakatulong sa iyo tulad ng payong, sombrero, sunblock, at sunglasses para maiwasan ang wrinkles sa tuwing nabibilad sa araw.
4. Huwag hahawakan ang tigyawat
Kung naiirita kang makita ang mga tumubong tigyawat sa iyong mukha ay huwag na huwag mo itong pipisain, titirisin, o hahawak-hawakan dahil maaaring mairita, mamaga at mas lumala ang kaso ng tigyawat sa iyong mukha na maging sanhi ng pagkasira ng iyong magandang balat. Hayaan lamang ito at laging hugasan ang oily na mukha.
5. Kumain ng leafy green vegetables
Ang karaniwang diet ng mga Koreano ay ang pagkain ng leafy green vegetables. Mas madalas silang kumain ng gulay kaysa sa mga oily na pagkain na makikita sa ating bansa. Kaya kung nais mong magkaroon ng kutis Koreano, subukan ang pagdiet at pagkain ng prutas at gulay lamang sa loob ng dalawang linggo. Tiyak kikinis ang iyong balat.
6. Uminom ng sampung baso ng tubig
Kapag dehydrated ang isang tao ay nagdudulot ng pagkatuyo ng balat, nagmumukhang pagod at ikinapapangit ng itsura. Ngunit kung mapanatiling hydrated ang katawan, ito ay magreresulta ng soft at glowing skin. I-train ninyo ang iyong sarili na uminom ng sampung baso ng tubig sa loob ng dalawang linggo, hindi ka magsisis sa resulta.
7. Uminom ng collagen at vitamin C
Importante ang pag-inom ng collagen at vitamin C araw-araw dahil ito ay ang pinakamahalagang bitamina na kailangan ng ating balat. Ang mga taong umiinom ng supplements na ito ay mayroong mas maganda at glowing skin.
Comments
Post a Comment