Walang simuman ang hindi naghangad na mapanatiling maganda ang ating itsura. May kung ano-ano ang ipinapahid sa ating mukha para lang magmukhang bata. Ang iba ay umiinom ng mga supplements upang mapanatili ang kanilang young-looking skin. May mga nagpapakonsulta sa dermatologists para mas mapaganda pa ang kanilang itsura o mapanatiling bata ang itsura.
Subalit kung gusto ninyong makatipid, ibabahagi namin ang natural na paraan upang kayo ay maging maganda. Sa pamamagitan ng mga routine habits na ito, kapag ay inyong sinundan sa loob ng 2 linggo ay mapapansin niyo na ang inyong balat ay unti-unti ng nagiging glowing.
Ito ang mga dapat ninyong sundin upang maging maganda:
1. Sleep on your back
Kung ang posisyon mo ng pagtulog ay nakadapa o nakaside, kailangan mo na itong baguhin. Dahil ang tamang paghiga pag tayo ay natutulog ay dapat nakatihaya. Ang posisyong nakadapa at nakatagilid ay nakakaapekto sa iyong mukha na nagiging sanhi ng wrinkles, nakakalala ng acne, at iba pang makakaapekto sa iyong mukha.
2. 15-20 Minuto na Exercise tatlong beses sa isang linggo
Importante ang pag ehersisyo upang magkaroon ng glow ang ating balat. Sa pamamagitan ng pagpapawis, narerelease ang mga k3mikal sa ating balat. Ang tamang pagbibigay ng oras sa gym ay nakatutulong sa kalusugan ngunit kapag napasobrahan ay hindi ito nakatutulong sa iyong magandang itsura at kalusugan. Nakakatanda ng itsura ang sobrang pagbababad sa gym dahil bumababa ng sobra ang fat na kailangan ng iyong balat.
3. Importante ang pag-iwas sa pagbabad sa araw
Huwag magbabad sa araw dahil ito ang pinaka unang nakakapagpa-pangit sa ating balat. Kung mapapansin karamihan sa atin ay may hindi pantay ang pagkakasunog ng balat lalo na sa mga drivers dahil laging sa kaliwang bahagi ng mukha ang nabababad sa araw. Kaya mainam na gawing tint ang iyong bintana ng sasakyan, ibaba ang UV shield o kaya naman laging magapply ng sunblock sa inyong buong katawan at mukha.
4. Iwasan ang pagpapalit-palit ng produkto na ginagamit sa katawan
Huwag ugaliin na magpapalit-palit ng mga produktong ginagamit sa mukha at katawan. Dahil ang paggamit ng isang produkto ay umeepektibo lamang pagkatapos ng 21 na araw ng paggamit nito. Kaya hindi mo makikita ang epekto nito sa balat kung madalas ka magpalit ng produkto. Kaya kung gumagamit ka ng bagong produkto ngayon ay huwag mainip, hintayin ang apat na linggo para makita ang resulta nito.
5. Maglagay ng suncreen
Laging tandaan na, kahit ano mang produkto ang iyong ginamit kailangan na may nilalaman ito na pangprotekta sa araw dahil kahit anong gamit mo kung ikaw ay laging naaarawan, papangit lang lalo ang iyong balat. Gumamit ng sunglass, payong, sunblock at huwag magbibilad sa araw para sa magandang balat. Gawin ito sa 2 linggo at mapapansin na magiging glowing ang iyong mukha.
6. Laging panatilihin na hindi nakakunot ang noo, hindi nakasimangot
Panatilihing kalmado ang mukha para hindi agad magmukhang matanda. Huwag laging nakakunot ang noo, nagagalit, nakasimangot, at mataray dahil nakakatanda ito ng itsura. Kung mapapansin niyo, ang mga laging relax ang mukha ay sila ang karaniwang may maganda at maaliwalas na itsura. Obserbahan ang iyong mukha at panatilihin na nakangiti o kalmado ang mukha para mapanatiling bata ang itsura.
Comments
Post a Comment