Skip to main content

Warning Signs Ng Kidney Problem At Mga Simpleng Solusyon Para Dito!

Ang pagkakaroon ng problema sa kidney ay hindi biro dahil isa ito sa mga importanteng organ sa ating katawan. Ito ang responsable sa pagfi-filter ng mga harmful toxins sa katawan. 

Narito ang mga warning signs na sinasabing possibleng mayroong problema sa iyong kidneys na dapat mong pagtuunan ng pansin at ang mga simpleng solusyon na maaari mong gawin. 

1. Pagmamanas

 Ang pagmamanas ay dulot ng water retention sa katawan. Kadalasan, ang mga taong may problema sa kanilang kidney ay nakakaranas ng pagmamanas ng mukha, kamay at mga paa. Kapag ito ay naranasan, mas mainam na ipacheck up agad sa doktor.

2. Pagbabago sa pagihi

Kapag ang kulay ng iyong ihi ay pinkish ngunit hindi ka naman nireregla, maaaring senyales ito nang pagdurug0 o kidney stones. Ganoon din kapag mabula ang ihi kahit makalipas na ng 3 minuto, maaaring may presensya ng protein sa iyong ihi at hindi ito magandang senyales.

3. Pangangati / Rashes

Gaya ng nasabi, ang kidneys ang responsable sa pag-aalis ng mga toxins sa katawan. At kapag mayroong problema sa iyong kidneys, ang 'dumi' sa katawan ay hindi natatangal at nagre-reflect ito sa iyong balat sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dry at makating balat.

4. Anemia

Ang ating kidneys ay gumagawa ng hormone na erthropoietin na siyang tumutulong gumawa ng dug0. At kapag mayroong problema sa iyong kidneys, pwedeng maantala ang produksyon ng hormone na ito at bumaba ang ating blood count na posibleng mauwi sa anemia. 

5.  Panlasa na parang bakal/ metallic taste

Kapag ang mga toxins sa katawan ay hindi nafa-flush out, maaaring manatili ito sa iyong bibig kaya lumalabas ang panlasa na parang bakal o metallic taste sa dila. 

6. Lower back pain

Ang mga kidneys ay matatagpuan sa ating lower back. At kapag may nararamdamang pagkirot sa bahaging ito, maging alerto dahil baka senyales na ito ng kidney problem.

Narito ang mga simpleng solusyon para maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa kidney:

1. Bawasan ang pagkain ng maasin at maalat 
2. Ikontrol ang inyong blood sugar level
3. Uminom ng sapat na tubig kada araw
4. Bawasan pagkaing ma-protina
5. Bawasan ang paggamit ng mga sawsawan gaya ng toyo at patis

Comments

  1. isa akong dyipny drayber lagging nasakit ang may bandang balakang ko anong sintumas ba yon isa ba sa kidney problem yon

    ReplyDelete
  2. Sa tingin mo po hindi, kasi sabe nyo nga po jeepney driver kayo so possible na baka dahil sa maghapon na pagupo yung dahilan kung bakit nasakit po ang balakang ninyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ask ku lang po lagi po masakit ung left side ku back and front ung sakit sa front mula sa ilalim ng ribbs hangang sa puson tapos ung sa back naman mula tapat ng ribbs ku subra sakit nia peru pag humiga aku at nilalagyan ku ng kalang na unan sa likod kung saan banda ang masakit un nabbawasan ang sakit nia at kulang din po aku sa red blood at ung bp ku minsan 90/80 isa po ba itong senyales ng kidney

      Delete
  3. Ung balakang ko po sobrang masakit at ung rigth side ng tagiliran ko sign n po b un sa kidney

    ReplyDelete
  4. ask ko lang po palgi kasing masakit yung lower back ko. malakas naman akong uminom ng tubig almost 10 glasses a day. work ko po kasi madalas nakaupo.

    ReplyDelete
  5. Ako din po lagi masakit ang lower back ko.araw2 lalo na po pag matagal nakatayo at pag gising sa umaga..ito po ba ay sinyalis din.salamat po

    ReplyDelete
  6. Pag banda po s tagiliran ng gilid ng ari ng babae s uluhan bangdang kanan pag masakit ano po ba yon. Sennyales po ba yon sbi kc baka kulane lang daw masakit eh

    ReplyDelete
  7. Ako din po pag maghapon ako nakatayo maramdaman ko po na maymanas sa paa ko at sumakit ang tuhod ko nagpa check up ako nuon sabi ng doctor saakin mataas daw ang khrieya ko

    ReplyDelete
  8. Hindina po ako nag pacheck up ulit ang khrieya po ba ay

    ReplyDelete
  9. Ako din po minsa ..Bigla lang sumakit ang tuhod ko isa po ba ako na may problima sa kidney???

    ReplyDelete
  10. Pag ang creatinine mo ay 118 tapos after a month naging 95....posible bang may deprenxa na ang kidney mo...

    ReplyDelete
  11. Maam sir pwdi magtanong ano po ang mabisang gamot sa babaeng 6 months na d pa dinadalaw ng regla?? salamat po sa sagot Godblesspo

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl