Ang mga panaginip ay mga inboluntaryong reaction ng katawan tuwing matutulog. Ito ay mga karaniwang representasyon ng imhinasyon, sitwasyon, at mga pangyayari na nararanasan natin tuwing tayo ay gising.
Ang isang tao ay nagkakarooan ng minimum na limang dream periods na pwedeng tumagal ng 50 minuto kada pagtulog. Marahil wala talagang eksaktong ibig sabihin ang ating mga panaginip, ngunit may iilan sa mga ito na nabigyan na ng interpresyon at kahulugan.
1. Hinahabol
Minsan ang pakiramdam na hinahabol ka sa iyong panaginip ay nakaka-kaba. Ngunit ayon sa mga eksperto isa itong positive sign. Ang maaaring ibig sabihin nito ay kung mayroon kang suliranin na nararanasan, harapin mo ito upang matapos na.
2. Pagkalagas ng ngipin
Akala ng iba na kapag nakapanagip ka nito ay isang masamang pangitain. Sa katunayan, kapag nanaginip ka ng ngipin na bulok sinisimbolo nito ang tak0t mo na harapin ang mga bagong sitwasyon sa iyong buhay at kapag ito ay natatanggal sinisimbolo ito na mayroong kang dapat ilabas sa iyong nararamdaman.
3. Pera
Ang panaginip na tungkol sa pera ay maaaring ibig sabihin ay swerte. Pwede ring ibig sabihin nito na may malaking pagbabagong magaganap sa iyong buhay.
4. Lumilipad
Sinisimbolo nito ay kalayaan sa mga bagay na humihila sa iyong pababa. Pwede rin itong simbolo ng tagumpay at ang kagustuhan mong makamit ang iyong mga ambisyon sa buhay.
5. Ahas
Kung ahas ang iyong napanaginipan, maaaring ito ay dahil sa nararanasan mong mahirap na sitwasyon sa iyong buhay sa kasalukuyan. Sa positibong pananaw, maaaring ibig sabihin nito ay healing at transformation.
6. Nahuhulog
Minsan kapag nanaginip ka nahuhulog ka ay bigla ka na lang mapapagising dahil akala mo ay totoong nahuhulog ka. Ngunit ang interpretasyon nito ay, maaaring kailangan mo nang bumitaw sa isang bagay na iyong pinanghahawakan o kailangan mo nang mag-let go.
7. Apoy
Ang mga panaginip na tungkol sa apoy ay sinasabing may negatibong interpretasyon depende sa laman ng iyong panaginip. Sinasabi na kapag nanaginip kang naglalaro ka ng apoy, maaaring indikasyon ito na mayroong mangyayaring peligro sa iyong buhay. Pwede ring ibig sabihin nito ay pagkamuhi at galit.
8. Umiiyak
Maaaring ibig sabihin ay may tinatago kang emosyon sa iyong sarili na dapat mong ilabas.
9. Nakah^bad sa publiko
Ang panaginip na wala kang saplot sa harap ng publiko ay maaaring simbolo ng tak0t mong mapahiya. Pwede ring ito ay dahil sa hindi mo pagpapakita na kung sino ang totoong ikaw dahil ikaw ay natatak0t.
10. Panaginip ng isang mahal sa buhay na nawala na
Ang panaginip na ito ay maaaring espesyal kaya tinatawag itong "visitation dreams." Maaaring mayroon o wala itong ibig sabihin. Ang paglitaw sa panaginip ng isang mahal sa buhay na sumakab!lang buhay na ay maaaring dahil nami-miss at naalala mo siya.
Comments
Post a Comment