Ang relasyon masaya yan lalo na kung mahal ninyo ang isa't isa. Ngunit dapat ka din maging handa sa mga pagbabagong maaaring mangyari sa inyong relasyon. Alamin ang mga senyales na nagbabago na ang pagtingin ng iyong kapareha sa iyo.
Kung mas maaga mong nalaman at natanggap na hindi ka na niya mahal, mas maaga kang makakawala at makaka-move on sa pag-ibig na iyon. Ang unang hakbang ay dapat makita at matanggap mo ang mga senyales na hindi ka na niya mahal.
1. Hindi na siya gaanong nagsasalita at nag-oopen up sayo
Sa isang relasyon kailangan ang komunikasyon upang mas tumatag ang relasyon magkalapit man kayo o magkalayo. Kung sa pakiramdam mo ay lumalayo na ng loob niya sayo at hindi na nagsasabi ng problema o di kaya ay nagkukwento maaaring may problemang namamagitan sa inyong dalawa.
2. Nawalan na siya ng interes
Naaalala mo pa ba yung mga panahon na kahit sa maliliit na bagay lang ay pinupuri ka niya. Aayain kang manood ng sine o kaya kumain sa labas. Kung hindi na siya nag-eeffort upang kamustahin ang iyong araw o kung ano ang nararamdaman mo, maaaring wala na siyang interes sa yo.
3. Lagi na siyang may pinagkakaabalahang ibang bagay
Kahit gaano man kabusy ang iyong kapareha ay gagawa at gagawa siya ng paraan para sa inyong dalawa upang magkaroon ng bonding. Paglalaanan ka niya ng oras kahit maikli lamang. Ngunit kung bigla na lamang siyang nawalan ng oras para sayo at hindi man lang gumawa ng paraan para makasama ka, tiyak na may mali na dito. At ang masama pa ay baka may iba na siyang pinaglalaanan ng pansin.
4. Huminto na siyang gawin ang mga maliliit na bagay na ginagawa niya dati
Kahit na gaano na kayo katagal, ang maliliit na bagay ay mahalaga pa rin sa isang relasyon. May mga bagay na maaaring magparamdam sa iyong kapareha na espesyal siya, ipakita mo sa kanya kung gaano siya kahalaga para sayo. Kung ang iyong kapareha ay bigla na lamang humintong iparamdam ang mga maliliit na bagay, maaring nawawala na ang kanyang pagmamahal sa iyo.
5. Bigla nalang siyang nagsisimulang humingi ng space sa inyo relasyon
Sa isang relasyon kailangan ng personal space ng bawat isa, ngunit kung ang iyong karelasyon ay humihingi ng space para dumistansya sa iyo, maaaring gusto na niyang makipaghiwalay at tapusin na ang inyong relasyon.
6. Ikinukumpara ka sa ibang babae
Hindi dapat ikinukumpara ng isang lalaki ang babae kahit kanino man na makakapagparamdam sa kanya na hindi siya maganda o mas mababa sa ibang mga babae. Kung madalas ka niyang ikumpara sa ibang babae ay dapat na maabala ka na.
7. Naiirita kapag ikaw ay nagsisimula ng malambing na paguusap
Ang paglalambing sa iyong kapareha ay kailangan. Ngunit kung naiirita na siya sa tuwing ikaw ay naglalambing sa kanya, maaaring senyales ito na hindi na siya interesado sa inyong pagsasama.
8. Hindi ka na sinasabihang mahal ka niya
Minsan sa ibang relasyon kapag tumagal na ito nang mahabang panahon ay nawawala na ang r0mansa at hindi na madalas na magsabi ng 'mahal kita' sa isa't isa. Ngunit kahit hindi man ito sabihin ng madalas kung ipinapakita naman niya ito sa pamamagitan ng mga aksyon, ay sapat na ito na sabihing mahal ka niya. Ngunit kung ni isa nito ay wala na siyang sinasabi o ginagawa, magtaka ka na.
9. Inuungkat niya ang mga nakakasiing pangyayari mula sa iyong nakaraan
Alam naman nating laht kung gaano kasak!t para sa isang tao na ungkatin ang kanilang nakaran lalo na kung hindi kaayaaya ito. Matagal bago makalimot ang isang tao sa pangyayari na naganap sa kanyang buhay. Kaya kung madalas na ungkatin ng iyong kapareha ito para magsimula lamang manisi at mang-away, marahil nawawala na ang pagmamahal niya sayo.
10. Hindi na siya naglalambing sayo
Kahit gaano na kayo katagal ay hindi pa rin dapat nawawala ang paglalambing sa bawat isa. Pagsabi o pagpuri ng mga magagandang bagay ay isa ng simpleng paraan ng paglalambing. Kung wala na ito, posibleng may problemang namumuo na sa inyong dalawa.

Comments
Post a Comment