Ang sabi ng mga matatanda, hindi rin maganda ang sobrang linis sa katawan dahil likas na kailangan ng katawan ang bakterya upang lumakas ang ating resistensya. Sa ating mga pang-araw araw na personal hygiene, may mga maliliit na bagay-bagay raw tayo na hindi namamalayan na nakakaapekto na pala sa ating kalusugan sa hindi magandang paraan.
Narito at alamin ang mga ito upang sa ganon ay mabigyan ng tamang aksyon.
1. Pagkagat ng mga kuko/ nail biting
Sa ibang tao, ang nail biting ay isang paraan nila upang matanggal ang stress sa katawan. Minsan sa iba ay naging bad habit na rin nila ito. Dapat ay iwasan na ang ugaling ito dahil unang una, ang ating mga kuko ay maaaring mayroong mga bakterya na hindi natin namamalayan kapag sinubo ito ay makakapasok sa ating katawan.
2. Paglinis ng tenga gamit ay cotton swabs, hair pin o anu pang matulis na bagay
Ang ating tenga ay napaka-delicate dahil kapag natamaan mo ang iyong ear drum habang nililinisan mo ito ay maaari kang mabingi. Kadalasan na ginagamit nating panglinis sa ating tenga ay ang cotton swabs, ngunit ang maling paggamit nito ay pwede lang itulak papaloob pa ang mga dumi ng tenga at lalo lamang magbabara.
3. Hindi pagpapalit ng toothbrush sa loob ng tatlong buwan
Tulad ng ibang bagay, ang ating toothbrush ay maaaring pamugaran ng bakterya sa matagal na panahon. Kaya naman nirerekomenda ng mga dentista na magpalit kada 2-3 months kahit na ito ay hindi pa mukhang luma.
4. Hindi paghuhugas ng kamay matapos gumamit ng kubeta
Karamihan sa mga tao ang binabalewala ang paghuhugas ng kamay matapos magbanyo at ito ay isang malaking pagkakamali. Ano pa man ang iyong ginawa sa kubeta (nagdumi, umihi, etc.) ay kailangan mong hugasan ang iyong kamay pagkatapos. Dahil maaaring kumapit sa iyong mga kamay ang mga bakterya na iyong nahawakan at pwede mo pa itong mapasa sa iba.
5. Pagsesepilyo ng madiin
Akala ng iba na kapag diniinan ang pagsesepilyo ay mas nalilinisan nila ng mabuti ang kanilang ngipin. Ito ay isang malaking pagkakamali! Dahil kapag madiin ang iyong pagto-toothbrush, pwede mo lang ma-damage ang iyong tooth enamel at maaari lang makasira lalo sa iyong ngipin. Ito rin ang dahilan kung bakit madaling mangilo ang ngipin sa tuwing umiinom ng malamig o kumakain.
6. Madalas na pag-eexfoliate ng mukha
Tama lang na magexfoliate ng mukha 1-2 beses sa isang linggo upang matanggal ang mga nakapaibabaw na d**d skin cells. Pero hindi tama na magexfoliate araw-araw dahil pwedeng magdulot ito ng pagka-dry ng balat at paglitaw ng mga wrinkles.
7. Pagtulog ng nakadapa
Isang bagay na nakakapagdulot ng wrinkles sa mukha ay ang posisyon ng ating pagtulog at tela na ginagamit sa ating unan. Sina-suggest ng mga health experts na gumamit ng silk na tela sa mga punda ng unan upang less ang friction nito sa balat.
8. Paggupit sa mga kuko ng napakaiksi
Mabuting putulin ang mga kuko at huwag itong pahabain para hindi pamugaran ng bakterya. Ngunit hindi rin maganda na tabtabin ito ng napakaiksi dahil pwedeng magresulta ito sa pagkakaroon ng ingrown. Kung gugupitin ang kuko, siguraduhing nasa tamang iksi/haba lang.
9. Hindi paglinis ng mga bagay na nahahawakan natin araw-araw
Gaano mo kadalasan nililinisan ang mga keyboard, remote, cellphone, telephone, at mga doorknobs na ginagamit at hinahawakan mo araw- araw? Alam niyo ba na ang mga bagay na ito ay pwedeng pamugaran ng mga dumi at bakterya na nagdudulot ng mga sak!t na pwedeng ma-transmit sa iyo at sa ibang tao.
10. Maling uri ng toothpaste na ginagamit ng mga bata
Ang ngipin ng mga matatanda ay hindi pareho sa mga bata. Kaya naman ang mga bata ay hindi dapat gumagamit ng kaparehong toothpaste gaya ng sa mga matatanda. Ang toothpaste na flouride-filled ay maaaring makasira lang sa kanilang ngipin.
Comments
Post a Comment