5 Importanteng Dahilan Kung Bakit Dapat Nang Iwasan Ang Pag-inom Ng Softdrinks Dahil Sa Epekto Nito Sa Kalusugan

Mahilig ka bang uminom ng softdrinks pagkatapos kumain o di kaya ay ginagawang inumin tuwing meryenda? Nakasanayan na nang karamihan ang pagkonsumo ng softdrinks kasama ang pagkain. Siguro ay dahil nakakapagbigay ito ng satisfaction sa tiyan na magkaroon ng pakiramdam ng pagkabusog.
Pero kahit pa gaano ito kasarap ay may kaakibat itong masamang epekto sa loob ng katawan. Bukod pa sa dami ng sugar content nito ay nakakapagdulot pa ito ng ibang negatibong isyu sa kalusugan.
Narito at alamin ang mga epekto nito sa katawan at dahilan kung bakit dapat mo na itong iwasan.
1. Pinapataas ang tiyansa na magka-diabetes
Wala nga sa lahi niyo ang may sak!t na diabetes, ngunit kung ginagawa mo namang regular ang pagkonsumo ng softdrinks ay pinapataas mo pa rin ang tiyansa mo na magkaroon nito. Ang mataas na content ng asukal sa inuming ito ay may malakas na epekto sa pancreas o lapay na siyang responsable sa paggawa ng insulin.
2. Nagdudulot ng dehydration
Ang mga matatamis na inuming ito ay may madaming amount ng caffe!ne, isang substansya na matatagpuan rin sa kape. Ito ay may pampa-ihing epekto sa katawan kaya naman dadalas ang pagpunta mo sa banyo upang umihi. At kapag madalas kang maihi, nababawasan ng tubig ang iyong katawan na pwedeng magresulta sa dehydration.
3. Nakakapagpataba
Ang mga taong madalas na uminom ng soda o softdrinks ay mabilis tumaba. Ito ay dahil naglalaman ito nang napakaraming kalorya at asukal na siyang nakakapagdulot ng katabaan. Kaya kung gusto mong maiwasan na maging obese ay itigil mo na ang paginom nito.
4. Nakakasira ng ngipin
Ang mataas na acid na taglay ng mga inuming ito ay pwedeng makadamage sa iyong tooth enamel. Gayun din ang asukal na content nito, kapag nag-stay ito ng matagal sa iyong ngipin ay pwede nitong sirain ang iyong ngipin.
5. Nakakapagdulot ng problema sa bato o kidney
Ang mga softdrinks ay naglalaman ng mga iba't ibang kem!kal na pwedeng makagambala sa normal na pag-function ng ating mga kidneys. Dahil sa caffe!ne content nito na isang pampa-ihi, pwedeng mag-overwork ang mga kidneys at magdulot ng seryosong problema.
Comments
Post a Comment