Skip to main content

6 Kagandahang Makukuha Sa Kamias Para Sa Rayuma, Ubo, At Iba Pa!

Isang karaniwang puno ang kamias. Malamang na pamilyar na rin kayo sa bunga nito na kadalasan ding isinasama sa mga lutuin gaya ng sinigang dahil sa maasim na lasa nito. 

Sa ibang mga probinsya dito sa Pilipinas, ang bunga ng kamias ay kinakain sa pamamagitan ng pagsawsaw lamang nito sa asin o di kaya ay ginagawang juice. Ngunit bukod sa aspetong ito, ang kamias ay nagbibigay rin ng medikal na benepisyong pangkatawan. Narito at alamin ang mga ito!

1. Panlunas sa ubo

Ang kamias ay nagtataglay ng napakaraming bitamina gaya ng vitamin B, C, iron at mga antioxidants kaya naman mabisa itong pantanggal ng ubo. Ang dapat mong gawin ay pumili ng fresh na bunga ng kamias at saka ito iblend. Lagyan ng kaunting asin o depende sa iyong panlasa. Sa ito inumin sa umaga at gabi.

2. Diabetes

Ang mga substansya na matatagpuan sa kamias ay benepisyal sa mga diabetic na tao dahil sa taglay nitong saponin extract at flavonoid compounds na nakakatulong sa produksyon ng insulin sa lapay. Nakakatulong din ito na pababain ang sugar level ng katawan. 

Maghanda ng 4-5 pirasong kamias at hugasang mabuti. Iblend ito at ihalo sa isang basong tubig. Pakuluin ang tubig na may blended na kamias. Salain ito at saka inumin 2 beses sa isang araw. 
3. Prebensyon sa rayuma

Ang rayuma ay isang karamdaman na inaatake ang mga organs ng katawan gaya ng buto, joints, muscles at maging ang dugo. Nagdudulot ng matinding pananak!t ng katawan ang rayuma. At nagpagalaman na ang kamias ay nakakatulong sa prebensyon ng rayuma. 

Iblend ang kamias at ang dahon nito. Kapag ito ay nag-smooth na ang texture ay ipahid ito sa sumasak!t na parte ng katawan.

4. Pagpapapayat

Isa sa mga magandang benepisyo ng kamias ang gamit nito para sa pagpapapayat. Dahil siksik ito ng fiber at antioxidants, nako-kontrol nito ang iyong kolesterol. Pwede ring gawin itong snack dahil kakaunti lamang ang calories nito. Maaari rin isama sa iyong tubig na iniinom.

5. Pantanggal ng tigyawat o acne

Ang kamias ay mayroong antibacterial na substansya na nakakapagpigil sa pagdami ng bakterya. Ang mainam gawin ay durugin ang bunga hanggang maging pino. Ipahid ito sa apektadong parte ng mukha lalo na sa may mga tighyawat.

6. Pampaputi ng labi

Problema mo ba ang may maitim na labi? Ang kamias ay nagtataglay ng good nutrition na tumutulong panatilihing fresh at mamula mula ang mga labi. Ikaskas lamang ang kamias sa iyong labi 2 beses sa isang araw.


Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-