Ayon sa isang pagsusuri, naitala na 1 sa 8 na tao ang naapektuhan ng pangingilo ng ngipin. Marahil maraming tao ang nakakaranas nito sa tuwing umiinom o kumakain ng malamig na inumin o pagkain.
Nagiging sensitibo ang ngipin kapag ang enamel na nagpoprotekta dito ay unti-unting nawawala. Maaari ring dahil sa pagkakaroon ng butas o uka ng ngipin at pagkasira. Narito ang mga dapat mong gawin upang maiwasan ang pangingilo ng iyong ngipin.
1. Baguhin ang iyong paraan ng pagtu-toothbrush
Ang pagsesepilyo ng madiin ay nakakapagdulot ng pangingilo ng ngipin sa katagalan dahil nadadamage ang enamel at gums kaya nagiging sensitibo ito. Gumamit lamang ng toothbrush na may soft bristles.
2. Bawasan ang pagkain ng acidic at matatamis na pagkain at inumin
Ang mga acidic na pagkain at inumin gaya ng wine, citrus fruits, at mga produktong mataas sa sugar gayang candies at softdrinks ay maaaring makapagpalala ng tooth sensitivity. Kapag kumain ng isang pagkaing acidic, huwag magsesepilyo ng ngipin agad agad. Maghintay muna ng isang oras bago magsepilyo.
3. Sumubok ng ibang toothpaste
May mga toothpaste na nakagawa para sa mga sensitibong ngipin. Minsan nakadepende rin sa gumagamit kung ano ang mas hiyang nilang toothpaste.
4. Iwasang ibleach ang ngipin
Kung ikaw ay may sensitibong ngipin, ang pagbi-bleach ng ngipin upang pumuti ito ay makakapagpalala lang ng iyong karamdaman. Makakabuti na pumunta sa iyong dentista upang ikonsulta kung nararapat ba ito sayo.
5. Iwasan ang teeth grinding o pinagkikiskisan ang ngipin
May ibang tao na nagti-teeth grind kapag sila ay kinakabahan, ninenerbyos, at minsan rin kapag natutulog. Dapat maiwasan ang gawaing ito dahil nakakasira ito ng ngipin. Maaaring gumamit ng mouth guard sa gabi upang maiwasan ito.
6. Magmumog ng fluoride mouthwash
Ang pag-gargle gamit ang flouride mouthwash ay nakakatulong upang maprotektahan ang iyong ngipin laban sa pangingilo at maagang pagkasira. Tiyakin na nag-gagargle palagi pagkatapos magsepilyo.
Comments
Post a Comment