
Ang pagkakaroon ng pangangati sa balat na kasing kulay ng balat, nagbubutlig-butlig, nagiging pula kapag nasosobrahan sa pangangati, nagda-dry, at pwedeng magsugat kapag nasobrahan sa pangangati ay tinatawag na Chicken Skin o Kerat0sis Pilaris.
Kung minsan, ito ay napagkakamalang pimples o rashes. Karaniwan naman itong makikita sa mga kamay, braso, paa, at hita. Ito ay kadalasang makikita sa mga taong may dry na balat at ecz^ma. Kadalasan din na ang mga taong overweight at mga buntis ay nagkakaroon nito.
Upang maiwasan at gumaling ang balat na may chicken skin, narito ang mga paraan na pwede mong gawin.
1. Coconut oil
Ang coconut oil ay isang uri ng safe na natural oil na nakakatulong sa pagtanggal ng pagkakaroon ng butlig butlig sa balat dahil nagbibigay ito ng sustansya na tumutulong sa pagmo-moisture ng balat. May taglay rin itong sangkap na tumutulong sa pagpapagaling at paghupa ng namamaga at may sugat na balat. Ipahid lamang ito sa apektadong balat pagkatapos maligo at bago matulog.
2. Exfoliate
Ang pag-eexfoliate ng balat 1-2 beses kada linggo ay nakakatulong alisin ang mga d**d skin cells at iregenerate ang mga hair follicles. Maganda rin ang dry brushing dahil bukod sa natatanggal na ang mga lumang selula ay naiistimulate pa ang sirkulasyon ng dug0 sa ating balat.
Pwede ring gumamit ng loofah kapag naliligo, ngunit huwag lamang itong igagasgas ng madiin dahil pwedeng mairritate ang iyong chicken skin.
3. Wastong diet
Ang wastong pagkain ay makakatulong sa pagtanggal ng butlig butlig na balat. Ang pagkain ng maraming bulay at prutas ay malaki ang tiyansang makatulong sa pagha-hydrate ng balat sa loob at labas. Ang pag-inom din ng wastong dami ng tubig kada araw ay nakakatulong upang mawala ito.
4. Baking soda at asin
Ang baking soda at asin ay makakatulong sa paggamot o pagtanggal ng chicken skin dahil ito ay mild lamang sa pagtanggal ng mga d**d skin cells at napapaganda nito ang sirkulasyon ng dugo. Nakakatulong din itong mapanatiling makintab at makinis ang balat.
5. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay mayroong antibacterial properties na nakakapagpaiwas sa mga impeks0n at bakteryang pwedeng pumasok sa katawan.
6. Aloe Vera
Mas mainam na kumuha ng isang dahon ng aloe vera at gayatin ang fresh na laman nito at gawing pampahid sa balat na may chicken skin. Bukod sa may cooling properties na ito ay nakakapagpamoisture pa ng balat.
Anong pagkain ang mga dapat po bang iwasan
ReplyDeleteMawawala pa po ba ito kpag sinunud ko lahat ng mga payo nyo!?
ReplyDeleteTutunawin po ba ang baking soda at asin sa tubig bago ipahid o ikuskos sa katawan na may chicken skin?
ReplyDelete