
Sa dami ng mga nagsisilabasang sak!t ngayon, dapat ay mas maging health conscious tayo. Importanteng pangalagaan ang panlabas at panloob ng ating katawan, partikular na ang ating mga ugat dahil ito ang siya lamang daluyan ng dug0 at nutrisyon na nagbibigay ng buhay sa iba pang parte ng katawan.
Kapag ang ugat sa katawan ay hinayaang magbara, maaari itong mauwi sa mas malalang kondisyon gaya ng mga komplikasyon sa puso. Kaya naman upang malinisan at maiwasan ang pagbara ng ugat, isama ang mga pagkaing ito sa inyong diyeta araw-araw.
1. Bawang
Ang bawang ay kilala bilang isang natural remedy para sa mga may problema sa puso at mataas na presyon. Napatunayan sa mga siyentipikong pag-aaral na ito ay nakakatulong sa prebensyon ng pagbuo ng 'plaque' sa mga ugat.
2. Kamatis
Ang kamatis ay nagtataglay ng mataas na content ng lycopene. Ito ay nakakatulong makaiwas sa paninigas at pagbabara ng mga ugat. Dahil ito rin ay isang powerful antioxidant, kaya nitong pabagalin ang aging process. Kaya naman ang regular na pagkonsumo ng kamatis ay nakakatulong sa pangiwas sa mga sak!t sa puso.
3. Ubas
Isang health tip, ang pag-inom ng red wine pagkatapos kumain ay maganda para sa kalusugan ngunit huwag lang sosobra, dahil nagtataglay ito ng mga antioxidants. At alam naman natin na ang red wine ay gawa sa prinosesong ubas. Ang ubas ay mayaman sa flavonoids, quercetin, at reveratrol na nakakatulong inormalize ang fat metabolism sa katawan at maiwasan ang plaque build up sa mga ugat.
4. Olive Oil
Maraming klase ng mantika ang nasa mercado at ginagmit natin bilang panluto ng mga pagkain. Ngunit iilan sa mga ito ay may hindi magandang epekto sa katawan, ngunit ang olive oil ay napatunayan na benepisyal sa kalusugan. Ang regular na paggamit nito ay nakakatulong bawasan ang pagdami ng bad cholesterol sa dug0 na pwedeng maging sanhi ng baradong ugat.
5. Cranberry
Ang pag-inom ng 3 tasang cranberry juice kada linggo ay nakakatulong linisin ang mga cholesterol deposits sa mga ugat. Pinapataas din nito ang abilidad ng mga cells na mag-absorb ng fats imbes na magbuo at magbara ito sa mga ugat.
6. Oats
Ang oatmeal ay mayaman sa soluble fiber na nakakapagpaiwas sa pagdami ng cholesterol sa katawan na dahilan ng clogged arteries. Sa 1.5 hanggang 2 tasang oatmeal kada araw ay mababawasan na ang cholesterol level sa dug0 ng 20%.
7. Pomegranate/ Prutas na Granada
Ang mataas taglay na antioxidants ng prutas na granada ay nakakatulong alisin ang bara sa mga ugat at maimprove ang tamang daloy ng dugo. Ang regular na pag-inom nito ay nakakapagpabawas sa paninigas ng mga ugat.
Comments
Post a Comment