Ang pagkakaroon ng kidney stones ay nakakapagdulot hind komportableng pakiramdam sa katawan. Bukod dito, maaari rin itong magdulot ng mga sintomas gaya ng kahirapan sa pag-ihi, at implamasyon na pwedeng makasagabal sa iyong pang araw-araw na gawain.
Mayroong mga medikal na proseso upang tanggalin ang mga naglalakihang bato sa iyong kidney. Ngunit kung maliliit pa ang mga ito, ay pwede mo pa itong mailabas ng natural. Sa pamamagitan ng mga home remedies na ito ay matutulungan kang ma-flush out ang iyong mga kidney stones.
1. Coconut water o sabaw ng buko
Ang sabaw ng buko ay isang epektibong inumin upang natural na mailabas ang mga bato sa iyong kidneys. Ito ay dahil sa taglay nitong potassium na nakakatulong sa pagdurog at pagflush out ng mga ito. Simple lang ang gagawin, uminom lamang ng fresh buko juice araw-araw hanggang mag-improve ang iyong kondisyon.
2. Sambong
Ang sambong ay isa sa mga kilalang halamang gamot panlaban sa UTI. Ngunit pwede rin itong inumin kapag ikaw ay may mga bato sa iyong kidney. Dahil ito ay isang natural na pampaihi, nakakatulong ito na ilabas ang tubig sa iyong katawan.
Ang dahon ng sambong ay karaniwang ginagawang tsaa. Kumuha ng sariwang dahon, hugasan at saka ito ichop ng maliliit na piraso. Pakuluin ang mga dahon at salain matapos ang 10 minuto. Ang tsaa ay pwedeng inumin 4 na beses sa isang araw.
3. Lemon water o lemon juice
Sikat na inumin ang lemon water dahil sa dami ba naman ng benepisyong naibibigay nito. Isa na dito ang kakayahan nitong makapagpaiwas sa pagbuo ng mga kidney stones. Ang citrate na taglay nito ay nakakatulong sa prebensyon ng pormasyon ng calcium stones. Pwedeng kunin ang katas ng lemon at inumin o maghiwa ng ilang piraso at ibabad sa iniinom na tubig.
4. Apple Cider Vinegar
Ang apple cider vinegar ay kilala dahil sa napakaraming benefits na makukuha. Ito ay nagtataglay ng acetic acid na nakakatulong sa pagdissolve ng mga kidney stones. Magdagdag lamang ng 2 kutsarang ACV sa isang basong tubig at inumin ito araw-araw. Ngunit huwag sosobra sa isang baso ang iniinumin na solusyon kada araw.
5. Pomegranate juice
Ang pomegranate o prutas na granada ay mabuti para iyong mga kidneys dahil nakakatulong itong alisin ang mga kidney stones. Ang juice nito ay ginagawa ring less acidic ang iyong ihi na nakakatulong upang makaiwas sa pagkakaroon ng sak!t sa bato. Uminom lamang ng 100% pure pomegranate juice araw-araw.
6. Katas ng celery
Ang celery juice ay isang tradisyunal na medikasyon panlaban sa pormasyon ng bato sa kidneys. Dahil nakakatulong itong i-flush out ang mga toxins sa iyong katawan gayundin ang mga maliliit na kidney stones. Magblend lamang ng 1-3 tangkay ng celery at tubig. Inumin ang juice na ito sa buong araw.
7. Water therapy
Ang tubig ang pinakasimpleng paraan na makakatulong sa prebensyon ng kidney stones at UTI. Ang paginom ng sapat na tubig araw-araw ay nakakatulong sa produksyon ng ihi na mabuti upang mailabas ang mga bakterya na nagdudulot ng imp*ksyon sa katawan.
Comments
Post a Comment