Tiyak na tayo ay may kanya kanyang nang karanasan ng pamumulikat ng paa sa gabi. Hindi lamang ang mga buntis, atleta, at aktibong tao ang nakakaranas nito. Sa katunayan, kapag mayroong bitaminang nagkulang sa iyong sistema ay maaaring maranasan mo rin ang pulikat sa gabi o nighttime cramps.
Ang iyong mga paa ay pwedeng mamulikat kahit na ikaw ay gising o tulog. Kaya naman kapag naranasang mapulikat sa gabi, narito ang mga simpleng solusyon na pwede mong gawin upang agad itong mawala.
1. Imasahe ang iyong mga paa
Ang pagmasahe ng dahan dahan sa iyong paa at binti ay makakatulong upang ma-istimulate ang sirkulasyon ng dug0 sa parteng ito. Nakakatulong din itong mairelax ang mga muscles ng paa upang hindi ito manigas sa pulikat. Maaaring gamitan din ng pampainit na oil o ointment para sa mas magandang resulta.
2. Iunat ang paa
Alam natin na kapag napupulikat ay mas madaling manatiling nakabaluktot ang mga binti at paa. Ngunit upang mawala agad ang pananak!t dapat ay iunat mo ang iyong mga binti at medyo dahan dahang itulak papunta sayo ang talampakan at daliri ng paa.
3. Maglagay ng hot compress
Sa paraang ito, maaaring gumamit ng heating pad o boteng nakabalot sa tuwalya na may lamang mainit na tubig. Ang mainit na temperatura ay nakakatulong upang mapaganda ang sirkulasyon saiyong mga binti at paa para gumaling ang pulikat. Pwede ring ibabad sa timpladong mainit na tubig ang mga paa.
4. Cold compress
Ang cold compress naman ay nakakatulong para mabawasan ang implasyon ng kasu-kasuan at para matanggal ang muscle pain. Ngunit huwag lalagpas sa 10 minuto para sa prosesong ito.
5. Regular na pageehersisyo
Kung madalas na nararanasang mapulikat sa gabi, bawasan ang pagsasagawa ng mabibigat na ehersisyo dahil pwede mo lang na mas lalong mapalala ang karamdaman ng iyong mga muscles. At kapag bago simulan ang exercise routine, huwag kalilimutang mag-stretching upang hindi mabigla ang mga buto at kasu-kasuan.
6. Maging aware sa mga kinakain
Ang pagkakaroon ng electr0lyte imbalance tulad ng potassium, sodium, magnesium at calcium ay maaaring maging sanhi at magdulot ng pulikat sa gabi. Upang maiwasan ito, maaaring itanong sa doktor kung anong supplements ang iyong iinumin upang maibalik sa normal na lebel ang mga mineral na ito at maiwasan na ang nighttime cramps.
7. Magpalit ng sapatos
Ang mga babaeng nakahigh heeled shoes at nakatayo buong araw ay mas madaling mapulikat sa gabi dahil sa hindi komportableng posisyon ng paa. Pumili ng sapatos na komportable at may support upang maiwasan ang pamumulikat sa gabi at sa iba pang oras.
Comments
Post a Comment