Alam naman natin na masama ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol sa katawan. Dahil maaaring maging kaakibat nito ang iba't iba pang sak!t gaya ng komplikasyon sa puso, high blo0d, at iba pa.
Ang regular na pagpunta sa doktor upang mamonitor ang iyong kolesterol ay kailangan. At kahit na ikaw ay walang naranasang karamdaman, kusang magbibigay ang iyong katawan ng mga senyales na mataas ang iyong cholesterol level
Narito ang mga senyales ng mataas na kolesterol na dapat mong ikabahala:
1. Pagmimintig ng mga kamay o paa
Ang pakiramdam ng pagmamanhid at pamimintig ng mga daliri, kamay, at paa ay isang malinaw na senyales ng pagkabawas daloy ng dug0 sa mga ugat. Ito ay dahil ang mga tissues at nerves ay nakakatanggap ng kakaunting oxygen at nutrisyon dahil ang iyong mga capillaries ay barado.
2. Ch0lesterol deposit sa mata
Kapag ikaw ay may napansing parang maliit na tighyawat na kulay yellow sa gilid ng iyong mga mata, suriin itong mabuti. Dahil kapag ito ay naninilaw, malinaw na sinasabi nito na mataas ang iyong kolesterol sa katawan.
3. Pananak!t sa itaas na bahagi ng iyong spine
Ang pagkakaroon ng pagkirot at pananakit sa likod ng iyong ulo, batok, balikat, at itaas na parte ng spine ay maaaring dahil sa kakulangan ng tamang daloy ng dug0 na dulot ng pagkabara ng mga ugat dahil sa cholesterol.
4. Malakas na pagtibok ng puso / pa1pitations
Kapag ang iyong mga ugat ay barado dahil sa ch0lesterol deposits, ang kaso nito ay mas malakas at mas mabilis na magpa-pump ng dug0 ang iyong puso. Kaya naman nagiging malakas ang pagtibok nito at maaaring may dalang pananak!t ng kaliwang bahagi ng iyong dibdib.
5. Grey 'ring' palibot sa itim na bahaging mata
Ang pagkakaroon ng "ring" formation na nakapalibot sa itim na bahagi ng mata ay maaaring dahil sa pagtanda. Ngunit kung ikaw ay wala pa naman sa edad na 45 at mayroon ka nito, posibleng dahil ito sa mataas na kolesterol.
6. Pagkapagod at madaming pagbabago sa emosyon
Dahil ang iyong katawan ay hindi nakakapagfunction ng mabuti, mas madali itong ma-stress at mawalan ng enerhiya.
7. Pagkirot ng mga paa at pulikat
Ang kakulangan sa sirkulasyon ng dugo ay maaaring magdulot ng discomfort at pananak!t ng mga hita at paa. Maaari itong magsimula mula sa balakang pababa sa iyong talampakan. Pwede ka ring makaranas ng pamumulikat sa gabi dahil sa pagbabara ng mga ugat.
Anong dapat gawin para ito maiwasang tumaas ang cholesterol..
ReplyDeleteAno ang dapat gawin para maiwasan ang pgdami ng cholesterol s katawan at anong mga pgkain ang dapat n iwasan.
ReplyDelete