Skip to main content

8 Maagang Sintomas At Senyales Ng Rayuma Na Dapat Mong Malaman

Hindi biro ang magkaroon ng rayuma. Sa katunayan, ang rayuma ay mayroong iba't ibang uri. Mayroong gouty, osteoarthrit!s, at rheumatoid arthrit!s. Nakadepende rin sa uri nitong karamdamang ito kung ano ang mga parte ng katawan na naaapektuhan.

Narito ang mga maagang sintomas at senyales upang madetect kung ikaw ay mayroon nang rayuma. At para habang maaga pa ay mabigyan na ng karampatang lunas.

1. Morning Stiffness

Ang morning stiffness o paninigas ng kasu-kasuan na nararanasan pagkagising sa umaga ay isa sa mga maagang senyales ng rayuma. Ang pakiramdam na ito ay maaaring tumagal ng ilang minuto. Ngunit kung ito ay tumagal ng ilang oras, ay maaari din na may implamasyong nagaganap.

2. Joint pain

Isang dahilan kung bakit nahihirapang matulog sa gabi ang taong naapektuhan ng rayuma ay dahil sa masak!t na pakiramdam ng kanyang mga joints. Kapag mayroong pananak!t na nararanasan sa tuwing ginagalaw ang mga daliri, kamay, balikat, tuhod, at paa ay maaaring sintomas na ito ng rayuma.

3. Pamamaga ng mga joints

Karaniwan na rin na kapag nakakaranas ng joint pain ay namamaga na rin ang apektadong parte. Sa ibang tao ay hindi ito masyadong halata, ngunit sa iba ay halatang halata dahil sa pamamaga. Kapag naging progresibo ang karamdamang ito ay pwedeng hindi mo na maigagalaw ang apektadong parte. 

4. Pamumula ng mga joints

Kapag ang mga joints ay namamaga, nagdudulot din ito ng pamumula. Ngunit hindi lahat ng taong may rayuma ay nararanasan ito. Kaya kung napasin na ang senyales na ito, agad ng ikonsulta sa iyong doktor.

5. Mainit na pakiramdam sa mga joints

Kapag ang iyong mga joints ay may pakiramdam na mainit- init, maaaring ibig sabihin nito ay may aktibong implamasyon sa loob ng katawan. At isa ito sa mga senyales na talagang minomonitor ng mga doktor.

6. Lagnat

Ang lagnat ay may dalawang klase, ang low grade fever at high grade fever. Ngayon kapag nakakaranas ka ng low grade fever at may kasamang sintomas ng pamamaga at pananak!t ng joints, posibleng rayuma na ito. 

7. Fatigue / pagkahapo

Ang pagkahapo o madaling mapagod ay unang senyales na makikita bago pa man din lumitaw ang ibang senyales. Maaari itong maramdaman at mawala bago pa man magsimulang sumpungin ang iyong rayuma.

8. Pakiramdam na parang naglalakad ka sa mga golf balls

Naiimagine mo ba kung gaano kahirap na maglakad na parang may tinatapakan kang golf ball. sa ilalim ng iyong paa Ganito ang nararanasan ng mga taong may rayuma, at kadalasang nagaganap  ito sa umaga.

Iba pang maagang senyales ng rayuma na dapat mong alamin:
  • Dry mouth
  • Dry at makating mata
  • Kahirapan sa pagtulog
  • Chest pain
  • Kawalan ng ganang kumain
  • Weight loss

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-