Hindi maikakaila na mayroon talagang ibang taong may anghit, putok, at mabahong amoy ang katawan. Simple lang ang sagot dito, ito ay dulot ng interaksyon ng bakterya at pawis sa ating balat.
Karamihan sa mga sa mga taong mayroon nito ay masosolusyonan nila ang problemang ito sa pamamagitan lamang ng pagsagawa ng tamang hygiene. Ngunit minsan may mga sitwasyon na nagiging malakas talaga ang amoy nila at possibleng senyales na pala ito ng isang health issue.
Ito ang mga karamdamang nakakapagdulot ng mabahong amoy sa katawan:
Ito ang mga karamdamang nakakapagdulot ng mabahong amoy sa katawan:
1. Sobrang pagpapawis
Sa medikal na termino, ito ay tinatawag na hyperhydrosis, ito ay ang matinding pagpapawis ng katawan. Ang pawis ay maaaring may kasamang body odor lalo na kung kumapit na rin sa iyo ang bakterya. Kadalasang pinagmumulan ng mabahong pawis ay ang kili-kili at mga singit.
2. Overactive thyr0id
Ang pagkakaroon ng overactive thyr0id o hyperthyroidism ay pwedeng magdulot ng matinding pagpapawis ng katawan. At kapag pawisin ang iyong katawan, mas mabilis na bumaho ang iyong amoy.
3. Problema sa iyong liver o kidney
Ang mga organs na ito ang responsable sa pagtanggal ng mga dumi sa katawan. Finifilter ng mga ito ang mga toxins sa iyong katawan. Kaya kapag ang iyong liver o kidney ay nagkaroon ng problema, hindi malayong dad ami ang toxins sa iyong katawan at magdudulot ng mabahong body odor.
4. Diabetes
Ang mga taong may diabetes ay nagkakaroon ng 'fruity breath.' Minsan ang iba naman ay mayroong mahina o mas malakas na amoy na parang nabubulok na mansanas.
5. Mga mahilig uminom ng al^k
Ang mga taong mahilig uminom ng inuming may alc0ho1 ay nagkakaroon ng mas matinding amoy sa katawan dahil malakas ang amoy ng al^k sa katawan lalo na kung nagblend na ito sa ating pawis.
6. Stress
Iba't iba ang uri ng stress at iba iba rin ang epekto nito sa bawat tao. Sa iilan, ang stress ay nakakapagdulot ng pagbago sa amoy ng katawan dahil nag-ooverdrive ang ating apocrine glands. Minsan dahil na rin napapabayaan ang sarili dahil sa stress kaya naman ang tamang hygiene ay siya ring naaantala.
Comments
Post a Comment