Skip to main content

Anim Na Panganib Sa Kalusugan Na Maaari Mong Maranasan Kapag Sumosobra Sa 8 Oras Ang Iyong Pagtulog Kada Araw!

Ayon sa mga eksperto, ang kakulangan sa tulog ay masama sa kalusugan. Ngunit gayundin pala ang sobra sobrang pagtulog na higit sa walong oras kada araw.

Totoo na ang pagtulog ay maaaring maiba-iba base sa edad ng tao at kanyang pisikal na gawain. Pero kapag sa araw-araw ay matakaw ka sa tulog at sumosobra na sa normal na oras ay pwede rin itong magdulot ng iba't ibang health issues. Narito at alamin ang pisikal na epekto nito sa kalusugan.

1. Pagdagdag ng timbang

Iba't ibang pag-aaral ang nagsasabi na ang parehong kulang sa tulog at sobrang pagtulog ay konektado sa pagtaba at pagkakaroon ng diabetes. Ayon sa mga eksperto, ang kakaunting movements kapag natutulog ang dahilan ung bakit mabilis madagdagan ng timbang ang isang taong matakaw sa tulog. Isa na rin ang pagkakaroon ng mas kakaunting oras para sa mga pisikal na gawain. 

2. Pagsak!t ng ulo

Ang sobrang pagtulog ay pwedeng magtrigger ng m!graine at pananak!t ng ulo. Ito ay dahil nagkakaroon ng pagbabago sa mga neurotransmitters sa utak. 

3. Back pain

Ang paghiga ng matagal na oras ay pwedeng magdulot ng pressure sa iyong spine at back muscles dahil sa malimit na paggalaw sa tuwing ikaw ay natutulog. Nirerekomenda na ang mga taong nakakaranas ng back pain ay maging aktibo at maglaan ng oras para magehersisyo.

4. Problema sa puso at diabetes

Ayon sa mga pag-aaral, ang pagtulog ng 9-11 oras kada araw ay pinapataas ang tiyansa mong magkaroon ng mga sak!t sa puso. Gayun din ang diabetes dahil sa tuwing ikaw ay natutulog ay tumataas ang iyong blo0d sugar. 

5. Problema sa iyong body clock

Ang pagkakaroon ng hindi pare-parehong oras ng pagtulog kada araw ay pwedeng makaantala sa iyong normal na body clock. Pwede itong magdulot ng sleeping dis0rders gaya ng ins0mnia at labis na pagkaantok sa umaga.

6. Depresy0n


Ang mga taong nakakaranas ng depresy0n ay nakakaranas rin ng problema sa pagtulog. Ito ay dahil mas pinipili nilang manatiling matulog kaysa maging excited sa kanilang paggising sa umaga. Sa gayon, ay mas lumalala ang kanilang kondisyon. 

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-