Karaniwang ginagawa ng isang tao kapag nag-aalaga at umiiyak ang isang sanggol ay hinehele ito. Kung minsan naman sa taranta na ng magulang na hindi na mapatahan ang baby ay napapalakas ang pag-aalog. At sa dulot ng pagkainis at galit kapag sobra na sa pag-iiyak ang bata at hindi mapatahan ay inaaalog na ng marahas ang bata.
Ngunit alam mo ba na may masama itong dulot sa bata na maaari niyang ikam*t*y nito? Kaya ang artikulong ito ay magbibigay ng kaalaman tungkol sa hindi dapat na gawin kapag inaalagaan ang isang sanggol.
Ang kondisyon na 'shaken baby syndr0me' ay hindi karaniwan na sak!t na nakukuha ng mga sanggol sa mga virus o bacterial inf*cti0n. Ngunit ang kondisyong ito ay nagmumula sa pangaabus0 sa bata. Ito ay nangyayari kapag marahas na naaalog ang baby. Sa pangyayaring ito, magdudulot ng pinsala sa utak na siyang pumap*t*y sa mga cells sa utak at hahadlangan ang pagdaloy ng sapat na oxygen sa utak ng bata. Maaari itong humantong sa tuluyang pagkasira ng utak.
Hindi madalas na makita ang sintomas ng shaken baby syndrome sa katawan. Ngunit kung minsan may mapapansing pasa sa mukha na hindi malaman kung saan nakuha. At ang mga sintomas naman na makikita rito ay maaaring makapagbibigay ng kaalaman sa pinsalang natamo ng baby. Ang pinsalang ito ay makapagdudulot ng pagdurug0 sa utak, sa mata, pinsala sa gulugod, at pagkabali ng tadyang, binti, bungo o iba pang mga buto.
Karamihan sa mga batang nagtatamo ng kondisyon na ito ay nakaranas ng child ab*se.
Ito ay maaaring noong sanggol pa lamang ay nakakaranas na ng paulit-ulit na pang-aabus0. May mga kaso rin ang kondisyon na ito na mild lamang, na makikitang mukhang normal ang isang bata matapos ang marahas na pagkakaalog ngunit kapag lumaon ay magdedebelop ito ng problema sa kalusugan at problema sa asal ng bata.
Ang mga mababanggit na sintomas ay makapagbibigay ng kaalaman sa iyo. Kaya patuloy na basahin ang mga sumusunod sa ibaba.Narito ang mga sintomas ng shaken baby syndrome na dapat na malaman:
• pagiging iritable ng baby o hindi mapatahan • mapapansing antukin ang bata • Hindi makahinga ng maayos • mahina kung dumede o kumain • hindi malaman kung bakit nagsusuka ang bata • pamumutla ng balat o pangingitim • pangingisay o seizures • pagkawala ng pakiramdam ng katawan o pagkalump0 • hindi paggising ng bata o c0ma
Upang maiwasan na matamo ng iyong anak ang sakit na ito ay kailangan na:
• Una, Kapag hindi mapatahan sa pag-iyak ang iyong kapatid o anak at hindi malaman ang gagawin ay huwag na huwag aalugin ng marahas.
• Pangalawa, Kung nakakaramdam na ng pagkairita, inis o galit sa iyong inaalagaang bata o baby dahil sa hindi matigil sa pag-iyak ay mas mabuting ibaba na lamang sa higaan ang bata, lumayo ng kaunti at magpakalma ng sarili. Para ito sa ikabubuti ng bata.
• Pangatlo, Alamin kung bakit nga ba umiiyak ang iyong anak. Siyasating mabuti kung gutom ba ito, hindi makuha ang tulog, basa ang kaniyang likod o kaya naman puno ang kaniyang diaper.
• Pang-apat, Bigyan ng mahabang pasensiya ang iyong anak at alagaan ng buong puso at pagmamahal
Comments
Post a Comment