Huwag Ipasawalang Bahala ang Kakayahan ng Lemon Water sa Kalusugan Dahil ito ang Maidudulot Nito Kapag Lagi Tayo Umiinom ng Lemon Water!
Madalas na marinig natin na kailangang uminom ng tubig para maging malusog ang ating katawan at upang gumanda ng ating balat. Kahit sino man ay gugustuhing maging malayo sa sak!t o ano mang karamdaman. Subalit alam niyo ba na ang simpleng paghalo ng lemon sa inyong tubig ay mas makakatulong sa inyong kalusugan?
Ang pag-inom ng Lemon water ay may magandang hatid sa ating kalusugan. Huwag nang ipagpaliban pa ito. Bumili na sa mga pamilihan ng lemon at ihalo na ito sa iyong inumin.
Basahin ang mga sumusunod na magbibigay sa iyo ng kaalaman kung ano ang magandang dulot nito sa ating kalusugan.
1. Para matunawan agad ang tiyan
Sabi nila kapag may malusog na pantunaw o maayos na digestive system ang isang tao ay maganda rin ang kalusugan nito. Ang Lemon ay isang importanteng mapagkukunan ng pectic fiber na maganda rin para sa kalusugan ng colon. Kaya ang paginom ng isang basong maligamgam na lemon water tuwing umaga ay isang napakagandang gawain. Dahil natutulungan nitong maging maayos ang pantunaw at nailalababas ang mga hindi kailangan sa ating katawan. Mabisa rin itong pampapayat dahil pinalalakas nito ang metabolismo sa ating katawan.
2. Para sa mata
Ang pagkain ng kalabasa ay nakalilinaw ng mga mata. At ayon sa mga matatanda ang pagkain ng hilaw na karots ay nakatutulong din para makakita sa dilim ang ating mata. Ngunit alam mo ba na ang citrus fruit tulad ng lemon ay punong puno ng bitamin C at antioxidant, na matutulungang bumuo ng isang epektibong proteksiyon laban sa katarata at macular degenerati0n? Mainam na uminom din ng lemon water araw-araw para sa malusog na mata.
3. Para sa malambot at makinis na balat
Alam niyo ba na kapag uminom kayo ng lemon water ay mas gaganda at glowing ang inyong kutis? Ang lemon ay naglalaman ng isang malakas na antioxidants na makatutulong sa pagbaba o pagalis sa mga batik sa katawan at mukha at pagkakulubot ng balat. May kakayahan rin itong mapalambot ang ating balat at mapanatili o mas mapalusog pa ang ating kutis dahil sa kaniyang detoxifying na benepisyo.
4. Ito ay mabuti para sa atay
Isa mga pinakaimportanteng organo sa ating katawan ang atay. Kaya kailangan itong pangalagaan para sa magandang pangangatawan. Sa pagpapanatiling malusog ng ating atay ay pinakaimportanteng gawin, Uminom ng lemon water araw-araw dahil matutulungan nito ang atay na gumana ng maayos. Sa katunayan, tinutulungan nitong mailabas ang mga t0xins sa ating katawan sa pamamagitan ng pagpapabuti sa enzyme function. Ang citric acid na matatagpuan sa lemon ay may hatid na makapagpapawaksi sa mga nakakasamang bakterya.
5. Makakaiwas ito sa lagnat, sipon at ubo
Ang pag-inom ng lemon water ay siyang sagot sa common cold. At ang pag-inom nito sa pangaraw-araw ay mabisang pamamaraan para mailalayo laban sa lagnat, sipon at ubo. Dahil sa taglay nitong bitamin C ng lemon ay siyang tumutulong upang madepensahan laban sa mga viral !nfections at pagbaba ng immune system.
6. Mabisang mapagkukunan ng Potassuim
Kilala ang saging na mayaman sa pagkukuhanan ng potassium. Pero alam mo ba na ang citrus fruit na Lemon ay naglalaman din ng mataas na essential na mineral at mabisang mapagkukunan ng potassium. At ang pag-inom sa araw-araw ng lemon water ay may magandang tulong para matiyak ang kalagayan ng puso, utak, bato, at muscular function.
Comments
Post a Comment