Importante ang Pag-Inom ng Tubig sa Tamang Oras Upang mas Mabilis ma-Absorb ng Iyong Katawan ang Benepisyo Nito!
Ang tubig ay isang mahalagang bahagi ng katawan ng isang tao. Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong para sa maayos na pag-gana ng ating mga organ sa katawan. Kadalasan, kung kailan lamang tayo nauuhaw ay doon lamang tayo iinom ng tubig. Subalit alam niyo ba na mayroon palang tamang oras sa pag-inom ng tubig upang mas makatulong ito sa iyong katawan?
Ang ilan sa mga tubig na kinakailangan ng katawan ay nakukuha sa pamamagitan ng mga pagkain na may mataas na nilalaman ng tubig, tulad ng orange, mga kamatis, o citrus fruits.
Sa araw-araw na paggana, ang tubig ay nawawala ng katawan at ito ay kailangang mapalitan. Nawawalan tayo ng tubig sa pamamagitan ng mga aktibidad tulad ng pagpapawis at pag-ihi. Subalit mas nawawala ang tubig sa katawan sa tuwing tayo ay humihinga.
Kung ang isang tao ay umiinom ng sapat dami ng tubig sa tamang oras, posible na maiwasan ang oste0porosis, depresy0n, sleep disturbance, maiwasan ang paninigas ng dumi, mabawasan ang sobrang timbang at mapanatili ang atensyon at memorya.
Ito ang mga perpektong oras para uminom ng tubig sa buong araw:
1. Sa pagkagising na pagkagising mo
Ang iyong unang baso ng tubig ay dapat mainom mo ng diretso pagkagising mo, kahit na bago ka magsipiliyo ng iyong mga ngipin. Sa pag-inom pag ka-gising ay mapupuno mo ang moisture na nawala sa gabi. Ang tubig ay makakatulong upang alisin ang anumang mga tox!ns sa katawan.
2. Sa pagitan ng pagkain or in between meals
Kadalasan, kapag tayo ay nagugutom ay maaaring tayo ay nauuhaw lamang. Ang pag-inom ng tubig ay pipigil sa iyo na kumain ng hindi malusog na meryenda. Magkonsumo lamang ng isang basong tubig tuwing tatlong oras.
3. Bago kumain ng tanghalian
Uminom ng isang basong tubig 30 minuto bago ang pagkain upang makatulong sa iyong digestion.
4. Pagkatapos ng tanghalian
Uminom ng isang basong tubig, bibigyan ka nito ng enerhiya at hindi ka aantukin. Uminom ng tubig isang oras pagkatapos ng pagkain upang maabsorba ng iyong katawan ang mga nutrients.
5. Bago hapunan
Mas gusto ng maraming tao ang pag-inom ng soda o anumang iba pang matatamis na inumin sa oras ng hapunan. Gayunpaman, ang tubig ay ang pinakamagandang pagpipilian.
6. Dalawang oras bago matulog
Kinakailangan na ikaw ay nakainom ng tubig isa o dalawang oras bago matulog upang rehydrated pa rin ang iyong katawan bago matulog at upang maihi mo na ang dumi bago ka pa matulog sa gabi.
Comments
Post a Comment