Naiinis ka ba kung minsan dahil sa hindi kaaya-ayang amoy ng iyong hininga? Kahit na ginagawa mo naman ang tatlong beses na paglilinis ng ngipin sa loob ng isang araw? Minsan, sinasamahan pa ng mouthwash para mas matagal ang pagiging mabango ng hininga. Ngunit hindi maiwasan na may naaamoy pa ring hindi maganda sa iyong bibig. Ito ay maaaring dulot na ito ng tonsil stones sa iyong bibig.
Karaniwan sa mga taong may tonsil stones ay hindi alam na nagtagtaglay sila nito. Ang tonsil stones ay maaaring maging isang tahanan para sa mga bakterya at madalas naghahatid ng hindi magandang amoy ng hininga.
Ano nga ba ang tonsil stones? Saan nakukuha at ano ang sanhi nito. Basahin ang kabuuan ng artikulong ito na makapag bibigay ng kaalaman.
Ang tonsil stones ay nabubuo mula sa mga pagkain, d**d cells at iba pang mga iniinom o kinakain na naiiwan sa tonsils. Nahuhubog ito na maging matigas, nag-aanyong kulay yellow at maaaring maging kasing laki ng butil ng kanin o kaya naman kasing laki ng gisantes.
At ayon sa pag-aaral, kompirmadong nakapagdudulot ito ng masamang hininga. Ang tonsil ay binubuo ng crevices, pits, at tunnels na tinawatag itong tonsil crypts. Sa pagbara ng mga iba’t ibang uri ng debris sa tonsil ay siyang pagsisimulan ng pagkakaroon ng tonsil stones.
Ang pagkakaroon ng sinuses ng isang tao ay isa sa magiging dahilan ng pagbuo ng tonsil stones. Kapag sobra ang paggawa ng uhog dahil sa problema sa sinus ay nagdudulot ito ng pagkapal ng uhog na kung saan ang bakterya ay maaaring umunlad. Ngunit kung minsan ang kawalan ng kalinisan sa ngipin, pagkakaroon ng malaking tonsil at pamamaga nito ay nakapagdudulot din ng tonsil stones.
Sintomas na maaaring maranasan dito ay:
-Una, Mabahong hininga
-Pangalawa, Sore Throat
-Pangatlo, Pananak!t ng tenga
-Pang-apat, Pamamaga ng tonsils
-Pang-lima, May makikitang kulay berdeng debris o kaya dilaw sa iyong tonsil
Paano matatanggal ang nagdudulot ng mabahong hininga na sanhi ng tonsil stones? Narito ang pamamaraan kung paano ito matatanggal.
1. Una, Pag-ugalian na linisin ang iyong ngipin at dila. Gawin ito ng tatlong beses o dalawang beses sa isang araw.
2. Pangalawa, Kapag natapos maglinis ng ngipin at dila, Isunod ang mouthwash para mas luminis o matanggal ang mga naiiwan pang bakterya sa iyong bibig. Maaari rin idagdag ang floss para maalis ang mga nakasingit na pagkain sa mga ngipin na hindi kayang malinisan ng toothbrush.
3. Pangatlo, Ano mang klase ng pagkain ay panatilihing uminom ng tubig kapag katapos kumain para bumaba ang mga natitirang pagkain na nasalak ng tonsil.
4. Pang-apat, Sa pamamagitan ng pag-ubo ay maaaring matanggal sa pagkakadikit ang nabuong tonsil stones sa iyong bibig. Kailangan na gawin ay umubo ng malakas ng ilang beses. Idagdag pa ang puwersa sa pagtulak ng iyong dila pataas at pasulong na para bang naduduwal. Kapag ito ay natanggal at nailabas ay makakaamoy ng hindi kaaya-ayang amoy.
5. Pang-lima, Gamit ang cotton swab ay masusungkit o maaalis ang tonsil stones sa iyong bibig. Kung bale wala lamang sayo ang pag-abot sa likod ng iyong bibig ay maaari mong gamitin ang cotton swab sa pagtanggal ng tonsil stones. Ngunit tatandaan na ito ay mapanganib na maaaring magdulot ng pagkahirap sa paghinga habang tinatanggal at maaaring masira ang iyong tonsils. Kaya bigyan ng pag-iingat.
Comments
Post a Comment