Kung Hirap Kayo sa Pagpapagatas sa Sanggol ay Isang Karaniwang Sintomas na ito ng Baradong Milk Ducts!
Napakahalaga para sa isang ina ang pagpapasus0 sa kanilang anak. Dahil ito ang pangunahing mapagkukuhanang nutrisyon ng isang sanggol. Ang breastfeeding ay lubos na nirerekomenda ng mga doktor dahil may napakagandang hatid ito sa sanggol para sa kanilang malakas at malusog na kalusugan.
Ngunit posibleng magkaroon ng blocked milk ducts ang isang nanay na nagpapasus0. At sa kondisyong ito, maghahatid ng kahirapan sa pagpadede ang mga ina sa kanilang anak. Sa pagkabara ng gatas ay makakaramdam ng napakasak*t na kirot at hapdi kapag dumedede ang iyong anak. At kung mapapabayaan ang kondisyong ito ay maaaring pagmulan ng !mpeksyon.
Ano nga ba ang kondisyong ito?
Ang kahirapan sa pagpapasus0 ay tinatawag na mastitis. Isa itong kondisyon na kung saan nagkakaroon ng pamamaga o !mpeksiyon ang sus0. Kadalasang epekto ito ng pagkakaroon ng mga ina ng blocked milk ducts. Ngunit may posibilidad na mangyari ito sa mga lalake at hindi rin nalalayo sa mga babaeng walang anak pero ang ganitong kaso ay bibihira lamang.
May iba’t ibang sanhi ang mastitis, ngunit nagdudulot ito ng pamamaga at pananak*t sa dibdib. Napakahalagang malaman ang mga sintomas nito lalo na sa mga inang hindi alam na nakakaranas na pala nito at para na rin sa agarang gamutan.
Kung nakakaranas ng mga sintomas na mababasa sa ibaba ay mabuting komonsulta na agad sa doctor para maagapan ito at hindi na lumala ang sitwasyon. At ang pagkawala ng kondisyong ito ay makakabuti sa iyong anak para sa kaniyang malusog na pangangatawan at maiilayo pa sa mga sak*t.
Narito ang mga sintomas ng mastitis na dapat malaman:
• Mapapansing may pamumula o pamamaga ng iyong dibdib
• Pagkakaroon ng bukol sa iyong dibdib na masak!t tuwing nagpapadede sa iyong anak
• Namumula ang balat ng iyong dibdib
• Nakakaramdam ng mainit na pakiramdam
• Pagkakaroon ng mataas na lagnat
• Madalas sumama ang iyon
May mga epektibong katutubong pamamaraan para maiwasan o magamot ang pagkakaroon ng mastitis ngunit hindi ito lubusang nirerekomenda dahil hindi dapat inisasawalang bahala ang pagkonsulta sa mas nakakaalam o sa doctor. Para hindi na rin mas lumala ang sitwasyon at mas lumaki ang maging epekto nito sa kalusugan.
Comments
Post a Comment