Skip to main content

Limang Natural Na Solusyon Para Mataggal Ang Mabahong Amoy Ng Kili-kili At Katawan



Walang sino man ang gugustuhing magkaroon ng body odor o amoy sa kilikili. Ang pagpapawis ng kilikili ay natural lamang, subalit kung ito ay may maasim ng amoy, umaalingasaw at masangsang, hindi na ito dapat ipasawalang bahala.

Sa katunayan wala naman amoy ang pawis ng mga tao ngunit dahil sa dulot ng bakteria na kumakapit sa pawis ay nagdudulot ito ng amoy sa ating katawan at kung mapapabayaan ay maaaring magdulot ito ng hindi kaaya-ayang amoy. 
Ang ilan sa mga dahilan ng pagkakaroon ng amoy ng kili-kili o body odor at dahil sa or hygiene at pagiging pabaya ng isang tao sa kanyang katawan.

Narito naman ang 5 Home Remedies Para Makatulong sa Mabahong Kili-kili: 

1. Kalamansi at Lemon


Ang katas nito ay isa sa mabisang pantanggal ng pangangamoy ng kilikili o body odor. Ang katas ng kalamansi at lemon ay nag-tataglay ng acidic property na nakatutulong sa pag-iwas at pantanggal ng bakteria na lumilikha ng pangangamoy ng kilikili.


Paano ito gawin:
• Hiwain ang Kalamansi at Lemon
• Alisin ang mga buto nito
• Ipahitid at ikuskos ang kalamansi at lemon sa iyong kilikili
• Hayaan itong matuyo ng 8-10 minuto
• Kapag natuyo na ito ay maaari ka nang maligo
• Gawin ito araw-araw hanggang sa hindi mawala ang pangangamoy ng kilikili o body odor

2. Tawas

Ang tawas ay isa rin sa mga paraan na makatutulong sa iyong problema sa pagkakaroon ng pangangamoy ng kilikili. Ito ay isang natural na deodorant, ligtas gamitin, epektibo at magaan sa bulsa. Ang tawas ay isang epektibong paraan para mapigilan ang pagdami ng bakteria sa pawis.


Paano ito gamitin:
• Ilagay ang durog na tawas sa iyong kilikili kapag natapos maligo ngunit tiyakin na tuyo ang iyong kilikili bago ilagay ito
• Gamitin ito araw-araw hanggang mawala ang pangangamoy ng kilikili at maari din itong gamitin para maiwasan ang pagkakaroon ng body odor.
• Kapag natunaw na ito ay maari na itong panligo sa iyong katawan.makatutulong ito sa pagbawas ng pagpapawis at magtatanggal ng pangangamoy
• Maaari din itong ihalo sa iyong pagligo, ilagay lamang ang durog natawas o ang buong tawas at hayaang matunaw.


3. Apple Cider Vinegar

Isa rin ito sa mga mabisang gamitin para mapuksa ang pangangamoy ng kilikili dahil ito ay tumutulong upang maalis ang pangangamoy na dulot ng bakteria at binabalanse nito ang pH level ng ating balat.

Paano ito gamitin:
• Kumuha ng bulak at isawsaw sa apple cider vinegar
• Ipahid ito sa kilikili ng 3-5 minuto hanggang matuyo
• Gawin ito bago maligo sa umaga at bago matulog
• Gawin ito araw-araw hanggang mawala ang body odor
4. Baking soda at Cornstarch Powder



Makatutulong ito sa pagpapatuyo ng kilikili at pagpapawala ng amoy nito. Mapupuksa nito ang mga bacteria.


Paano ito gawin:
• Paghaluin ang baking soda o cornstarch at katas ng kalamsi o lemon
• Ipahid sa kilikili at patuyuin ng 5 minuto
• Gawin ito bago maligo at gawin ito araw-araw hanggang mawala ang body odor

5. Rubbing Alcohol


Makatutulong din ito sa pagsugpo sa body odor dahil ang pagpahid nito sa kilikili ay sinasarhan nito ang mga pores sa balat at mababawasan ang pagpapawis. Matatanggal din nito ang bakteria at ang pagpahid nito ay nagiiwan ng mabangong amoy sa kilikili.

Paano ito gamitin:
• Kumuha ng bulak at basain sa rubbing alcohol
• Ipahid sa kilikili at hayaang matuyo
• Gawin ito araw-araw

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…