Madalas Nating Iniiwan ang Ilang Electrical Appliance sa Bahay, Ito ang mga Bagay na Hindi Pala Dapat Iwanan ng Naka-plug!
Ang ating tahanan ay hindi nawawalan ng mga electrical appliances na nagbibigay ng simpleng pamumuhay sa araw araw nating pangangailanan. Naisip mo na ba kung kailangan talaga nating tanggalin ang mga electrical appliances mula sa power socket matapos natin itong gamitin?
Ano ng aba talaga ang tamang sagot para rito?
Tignan natin ang mga ilang bagay na kailangan at hindi na kailangan pang tanggalin sa power socket na mga kagamitan sa bahay:
1. Hot Water Heater
Sa malamig na panahon, kailangang kailangan nating gumamit ng hot water heater pero kung ang nais natin ay magtipid ng kuryente, kailangan ba talagang tanggalin ang plug sa saksakan?
Ayon sa ilang experto, hindi na natin kailangan pang tanggalin ito sa saaksakan dahil kailngan ito ng heater para mapanatiling mainit ang tubig sa loob nito. At kung parati nating inaalis ito sa saksakan maaaring masira ito, kung hindi ito marestart dahil sa tuloy tuloy na pagtanggal sa saksakan mula sa outlet ay mababawasan ang buhay ng plug at maaaring maging isang panganib.
Pero ayon sa ilang experto, kapag naman hindi mon a ginagamit ang heater ng higit sa tatlong araw, kailangan mo na itong iunplug.
2. Phone Charging
Sa henerasyon ngayon, hindi na tayo nawawalan ng cellphone dahil isa na itong pangangailangan sa araw araw, pero isa ka ba sa taong hindi ugali ang pagtatanggal ng charger mula sa outlet tuwing kakatapos itong gamitin? dahil sa tingin mo ito ay mas madaling paraan para kapag nalowbat ulit ang iyong phone isasaksak nalang ulit ng walang kahirap hirap?
Kailangan mon a itong tanggalin sa susunod dahil ayon sa eksperto, mas madali itong makaattract ng panganib, habang tumatagal mas lumalaki ang pag-asang mag-spark ito at magsimula ng apoy sa kalapit na lugar. Kaya naman lagi tayong mag-iingat lalo na kapag walang naiiwan sa bahay at umaalis ang buong pamilya sa loob ng mahabang oras, at may nakasaksak na charger ng phone, kailangan itong iunplug muna bago umalis. Isang maliit na bagay na makakatulong sa iyos, sa buong pamilya at pati na sa mga kalapit niyong bahay.
4. Aircon Plugs
Hangga’t nakaplug sa isang electrical socket ang aircon, magcoconsume pa rin ito ng parehong power ng standby mode. At dahil dito mas napapalaki ang binabayaran natin sa kuryente pati na ang panganib mas napapalapit sa atin dahil halos electrical appliances ang sanhi ng sunog kapag hindi ito natatanggal sa ating saksakan kaya naman dapat tayong nagdodoble ingat sa paggamit ng mga ito.
Siguraduhing bago umalis ng bahay ay nakaalis lahat ng electrical aplliances mula sa mga socket para hindi na tayo kailangan pang mangamba.
Comments
Post a Comment