
Ang ating utak ay isa sa mga pinaka importante at pinakamaselang parte ng ating katawan. Dahil ito ang siyang nagpapatakbo sa lahat ng kilos at tungkulin ng ating buong katawan. Kaya kahit kaunting problema lang ay maaaring magdulot ng malaking epekto sa pag-iisip at buong pagkatao.
May mga bagay-bagay na pwedeng makapinsala sa ating mga brain cells na maaaring magdulot ng panandalian o pang matagalang pinsala sa utak. Bukod sa paraan ng iyong pamumuhay o lifestyle, narito pa ang mga karaniwang gawain na nakakapinsala sa utak na hindi mo nalalaman.
1. Labis at matagal na paggamit ng mga gadgets (cellphones, tablet, etc.)
Ang radiation na nagmumula sa mga electronic gadgets na ito ay mataas lalo na kung madalas at matagal ang paggamit. Mayroon ding masamang epekto sa kalusugan ang paggamit ng cellphone sa gabi at pagtulog na katabi ito dahil ang blue light na ineemit ay mayroong radiaton na mapanganib sa mga selula sa utak.
2. Pagpupuyat at kakulangan sa tulog
Kailangan ng iyong utak at katawan ang 8 oras na pahinga araw-araw upang makapag-recharge itong muli at muling magampanan ang tungkulin. Ang kakulangan sa tulog ay pwedeng mapabilis ang pagkasira ng iyong mga brain cells, kaya naman mabilis kang mapagod at palaging bad mood.
3. Pag-iwas kumain ng almusal
Ang almusal o agahan ay ang pinaka-importanteng meal of the day dahil dito kumukuha ng nutrisyon ang iyong utak para magawa ang tungkulin nitong patakbuhin ang iyong buong pangangatawan. Ang hindi pagkain ng iyong almusal ay maaaring magdulot ng kawalan ng enerhiya, konsentrasyon, bad mood, at kahirapan sa pag-iisip.
4. Maling diyeta at hindi pagkain ng masustansyang pagkain
Ang pagkain ng mga matatamis, maaalat, prito, at mga processed na pagkain ay inilalagay sa panganib ang katawan dahil sa mga harmful substance na makukuha sa mga ito. Ang resulta nito ay paghina ng immune system, kakulangan sa nutrisyon, at masamang epekto sa development ng iyong utak.
5. Pagtakip ng unan sa iyong ulo habang natutulog
Iwasan ang pagtakip ng iyong ulo habang natutulog dahil tumataas lang ang konsentrasyon ng carbon dioxide and bumababa naman ang oxygen, na maaaring magdudulot ng pinsala sa iyong utak.
6. Pagpilit na magtrabaho kung ikaw ay may sak!t
Hindi masamang maging masipag sa trabaho. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na nang masama ang pakiramdam ay huwag nang pilitin ang sarili na magtrabaho dahil hindi ito makakabuti sa iyong kalusugan. Gayun din ito sa iyong utak, dahil mape-pressure ito na paganahin ang katawan. Mas hihina ang iyong immune system at mas tatagal lamang ang iyong paggaling.
7. Stress
Ang stress maging ito ay pisikal, emosyonal, o mental ay pare-parehong may impact sa ating utak at pag-iisip. Ang isang taong nakakaranas ng matinding stress araw araw ay pwedeng mapinsala ang kanyang utak dahil sa labis na pag-iisip. Kaya makabuti na ipahinga ang utak at sarili kapag nakakaranas nito. Maaaring mag-unwind, humanap ng support group, o magbakasyon.
PLEASE POST IN ENGLISH An Universal Language
ReplyDelete