Hindi na mawawala sa isang tao na magsinungaling, minsan ito ay para sa magandang rason minsan naman ay para matakpan lang ang kanilang mga pagkakamali. Iilan lang ang mga taong naging propesyonal na sa pagsisinungaling ngunit ang iba naman ay nahahalata pa ring hindi nagsasabi ng totoo.
Kaya kapag napansin ang mga senyales na ito, maaaring hindi nagsasabi ng totoo ang iyong kausap!
1. Pagkukwento gamit ang pare-parehong salita
Ang taong prepared sa pagsisinungaling ay may mga salita nang napiling gamitin upang mapaniwala ka niya. Maaaring pati ang mga pangungusap nito at ekpresyon sa mukha ay pare-pareho lamang.
2. May 'pause' o paghinto bago sila sumagot sa direkta at simpleng tanong
Kapag magreresponde sa isang tanong, normal alang ang huminto upang mabuo ang iyong nais sabihin. Ngunit kung ang katanungan ay yes or no lamang at nagkaroon ng mas mahabang oras bago sumagot, maaaring ito ay isa nang red flag na dapat mong alamin.
3. Maraming hand gestutres
Kung ang isang tao ay hindi lubusang nagsasabi ng totoo, nagkakaroon sila ng iba't ibang pagkumpas ng kamay o hand gestures na kakikitaan ng kanilang pagiging distressed at pagsisinungaling. Ayon nga mga pagsusuri na ito ay nangyayari dahil sa natural chemical reactions ng katawan.
4. Hindi makatingin ng diretso sa iyo
Malalaman mo na hindi nagsasabi ng totoo ang isang tao kapag siya raw ay hindi direktang makatingin sa iyo n diretso. Karamihan sa mga taong nagsisinungaling ay hindi komportableng makipag eye-contact sa taong kanilang pinagsisinungalingan.
5. Kakaibang aksyon ng katawan
Karaniwan na raw sa mga taong hindi nagsasabi ng totoo na hinahawakan nila ang kanilang mukha, inaayos ang kanilang buhok, pagkamot sa ulo o batok kapag nagsisinungaling dahil ito ay isang uri ng stress na hindi rin sila komportable sa kanilang mga sinasabi.
6. Fidgeting o hindi napapakali
Ang iyong mga tanong sa taong nagsisinungaling ay nagsisilbing 'threat' par sa kanila. Maaaring sila ay magfreeze o di kaya ay hindi mapakali dahil sa pagiging hindi komportable at gustong makaiwas na sa sitwasyon.
7. Hindi tugma ang kanilang facial expressions sa kanilang sinasabi
Ayon sa mga pagsusuri, ang mga propesyonal lang daw na sinungaling ang nakakapagcontrol ng kanilang mga emosyon kapag sila ay nagsisinugaling. At karamihan sa mga taong hindi nagsasabi ng totoo, mapapansin na ang kanyang emosyon at facial expressions ay hindi nagtutugma.

Comments
Post a Comment