
Ang ating baga o lungs ay isang napaka importanteng organ sa ating katawan dahil ito ang nagbibigay sa atin ng paghinga. Ito ay may ginagampanang napaka halagang tungkulin dahil ito rin ang nagpapanatili ng oxygen sa ating katawan upang magampanan ng ibang mga organs ang kanilang function.
Ngunit dahil sa talamak na polusyon sa ating kapaligiran, karamihan sa mga tao ang nagdurusa sa pagkakaroon ng mga lung problems. At marami na rin ang na-diagnosed ng chr0nic obstructive pulm0nary dis**se o COPD, isang kondisyon na kung saan ang isang tao ay nahihirapang huminga dahil sa paninikip ng kanyang airways.
Upang malaman kung mayroon kang problema sa iyong baga, narito ang mga senyales na ipinapakita ng iyong katawan:
1. Kahirapan sa paghinga
1. Kahirapan sa paghinga
Ang labored breathing o kahirapan sa paghinga ay nangyayari kapag ang iyong lungs ay kailangang magtrabaho ng maigi upang magkaroon ng paggalaw sa hanging pumapasok at lumalabas sa iyong baga. Isa itong malinaw na senyales na may problema ka sa iyong baga. Agad ikonsulta sa doktor kung palagi itong nararanasan.
2. Ubong hindi gumagaling
2. Ubong hindi gumagaling
Ito ay ang ubo na tumagal at hindi matanggal tanggal. Ang malubhang pagubo ay nagsasabi na ang iyong mga baga ay hindi nagfu-function ng normal lalo na kung ito ay may kasama pang chest pain. Kung ikaw ay inuubo ng walang dahilan, mas mabuti kung ipasuri ito agad sa doktor upang malaman ang tiyak na dahilan ng pagubo.
3. Pagdami ng plema o uhog
3. Pagdami ng plema o uhog
Kapag inuubo ang isang tao, tumataas din ang produksyon ng mucus at plema sa kanyang katawan. Ngunit kung napapasobra na ito ng walang dahilan, hindi na ito isang magandang senyales. Kung ang kulay nito yellow o green o may kasamang dug0, senyales ito na may problema sa iyong lungs. Maaari itong malalang komplikasyon gaya ng br0nch!tis.
4. Maingay na paghinga/ Wheezing
4. Maingay na paghinga/ Wheezing
Ang wheezing ay isang tunog na nanggagaling sa paghinga na animo'y parang pumipito. Dahil ito sa pagka-constrict ng airways kaya ang hangin ay naiipit at nagpo-produce ng wheezing sound kapag ikaw ay humihinga. Maaari rin itong senyales ng asthma.
5. Pagkir0t ng ulo pagkagising
5. Pagkir0t ng ulo pagkagising
Ang mga lung problems gaya ng COPD ay nagreresulta sa pananak!t ng ulo pagkagising. Nangyayari ito dahil hindi ka nagkakaroon ng tama at sapat na paghinga kapag natutulog kaya nagkakaroong ng carbon dioxide build up sa iyong katawan.
6. Pagmamanas sa paa
6. Pagmamanas sa paa
Kung ang iyong baga ay hindi gumaganang mabuti, hindi nagkakaroon ng sapat ng oxygen ang iyong katawan upang paganahin ang ibang organs. Kaya ang resulta ay nagkakaroon ng fluid buildup sa katawan at ang kinalabasan ay pagmamanas sa mga paa.
Comments
Post a Comment