Iilang couples nga lang ba ang tumatagal ang kanilang relasyong hanggang pagtanda. Diba napakasarap pagmasdan ng mga mag-asawang kahit sila ay may edad na ay sweet at magkasama pa rin sa hirap at ginhawa?
Minsan maitatanong mo, ano nga ba talaga ang eksaktong ingredient sa masaya at matagal na relasyon? Narito ang iilang mga tips at sikreto kung paano napapanatili ng mga mag-asawa kang kanilang matagal at panghabang buhay na pagsasama.
1. Pareho nilang hinaharap ang mundo
Ang dalawang taong nagmamahalan ay handang harapin kahit ano man ang pagsubok na ibibigay sa kanila ng mundo. Hindi nila iiwan ang isa't isa sa ere, sa halip ay sabay pa nilang hahanapan ng solusyon ang anumang problema na darating sa kanila. Mananatili sila sa tabi ng isa't isa.
2. Pinapatawad nila ang isa't isa
Wala naman talagang perpektong mag-asawa. Hindi mawawala sa buhay ng mag-asawa na minsan ay hindi magkaintindihan, tampuhan, mag-away at kung anu pa. Ngunit ang maganda sa huli ay kung alam nila kung paano humingi ng tawad at magpatawad sa isa't isa. At ang pagpapatawad sa iyong asawa araw-araw ang magpapatatag sa inyong relasyon.
Ayon nga sa isang kasabihan, "never go to bed angry."
3. Ang inyong relasyon ay napakasimple
Sinasabi na ikaw ay nasa isang good marriage kapag kayong mag-asawa ay namumuhay ng simple. Ibig sabihin nito, na kahit hindi ganoon ka garbo ang inyong buhay ngunit napapanatiling intact at masaya ang inyong pamilya ay sapat na.
4. Kayo ay nananatiling magkaibigan
Totoo ang kasabihan na kapag tumagal ang relasyon ay maaaring mawala ang r0mansa at maiiwan na lamang ay ang pagkakaibigan at ito ay napakaimportante. Dahil kung nanatili kayong magkaibigan ng inyong asawa, wala kayong maitatagong sikreto na maglalagay ng gap sa inyong relasyon.
5. Nais nila ang mabuti para sa isa't isa
Ang dalawang taong nagmamahalan ay dapat hindi kinukumpitensya ang bawat isa. Sa halip nagtutulungan pa upang maabot ng bawat isa ng kanilang mga pangarap. Wala silang ibang hinahangad kung hindi ang ikakabuti ng bawat isa at ng kanilang pamilya.
6. Tapat sa isa't isa
Hindi tatagal ang isang relasyon kung hindi tapat sa isa't isa ang mag-asawa. Bukod sa pagmamahal, ito rin ang isa sa mga pundasyon para sa masaya at matagal na pagsasama.
7. Iniiwasang mag-sisihan
Kadalasang dahilan ng diborsyo o paghihiwalay ng mag-asawa ay dahil patuloy silang nag-sisisihan kung sino ba talaga ang nagkamali. Ito ang iniiwasang mangyari ng mga happy at strong couples kaya nila napapanatiling matagal ang kanilang relasyon.
8. Pagpapakita ng pagmamahal at kabutihan sa isa't isa araw araw
Ang pagpapakita ng simpleng gestures of love and kindness araw-araw ay isa sa mga bagay na nakakapagpatatag ng relasyon. Maging ito ay simpleng halik sa pisngi, pag-alala ng mga importanteng petsa tulad ng anniversary at birthday, simpleng text, o ang pag-aasikaso sa iyong asawa araw-araw.
Comments
Post a Comment