10 Bagay Na Na Dapat Mong Malaman Na Tiyak Na Wawasak At Sisira Sa Inyong Relasyon Habang Hindi Pa Huli Ang Lahat!
Normal sa isang relasyon ang pagkakaroon minsan ng hindi pagkakaunawaan. Ito ay dahil bawat tao kahit na mag-asawa na sila ay may sarili pa rin silang paniniwala, paninindigan, at pagkakaiba. Kapag ang dalawang taong tumagal na sa isang relasyon o kapag nagkapalagayan na ng loob, minsan ay may mga bagay-bagay tayong nagagawa na unti-unti na palang nakakasira sa ating relasyon.
Kaya bago pa mahuli ang lahat at mauwi sa hiwalayan, ito ang mga 10 bagay na maaaring hindi mo namamalayang nagagawa na tiyak na makakasira sa inyong relasyon!
1. Pagtatanim ng sama ng loob
Gaya ng kasabihan, huwag magtanim ng sama ng loob. Sa isang relasyon, normal lang ang magtalo. Pero hindi na dapat ito umabot sa pagtatanim ng loob sa iyong kapareha. Dahil kung iniipon mo ang galit at sama ng loob, kapag ikaw ay napuno na maaari kang makagawa ng hindi maganda.
2. Tine-take for granted mo ang iyong partner
Ang bawat isa ay nais na maramdaman na sila ay importante at espesyal, lalo na sa iyong relasyon. Kahit gaano na katagal ang iyong pagsasama ay dapat hindi balewalain ang presensya ng inyong kapareha. Dahil kapag tine-take for granted mo lang siya, iisipin niya na hindi siya importante sayo.
3. Kinukumpara sa iba
Wala ninuman ang gustong maikumpara sa iba. Lalo na kung ang pagkukumparang ito ay hindi maganda. Ang palagi mong binabanggit na mas magaling ang iba kaysa sa kanya, magsasawa siya dito at baka iwanan ka nalang niya.
4. Hindi niyo na mapagkasunduan ang expectations ng bawat isa
Ang dalawang taong nasa relasyon ay dapat na napagkakasunduan ang ineexpect ng bawat isa. Kung dito pa lang ay nagkakanya-kanya na kayo ng desisyon at walang ng pakialamanan sa reaksyon ng bawat isa, tiyak na makakawasak ito ng pagsasama.
5. Hindi mo na binibigyan ang sarili mo ng personal na oras
Hindi porket magkarelasyon na kayo ay dapat mo nang pabayaan ang iyong mga personal na interest, hobbies, at pangarap. Dahil kung kinulong mo ang iyong sarili sa inyong relasyon, pinapaikot mo na lang ang iyong mundo sa kanya at hindi ito maganda.
6. Sarili mo lang ang iyong iniisip
Ang lahat ng mga successful relationships ay base sa kompromiso at kolaborasyon ng bawat isa. Kung parating sarili mo lang ang iyong inuuna at iniisip, darating ang punto na magsasawa ang iyong kapareha at baka ikaw ay iwanan na lang niya.
7. Mas pinipiling hindi maging tapat at walang open communication
Ang ibang tao mas pinipili na lang nilang huwag magsabi ng totoo sa kanilang partner para wala nalang masyadong diskusyon. Kung magiging ganito lang ang inyong relasyon, walang open communication, hindi niyo na magpagkakatiwalaan ang bawat isa.
8. Hindi mo mabalanse ang iyong oras
Oo nga't importante na magtrabaho para masustentuhan ang iyong pangangailangan at ng iyong pamilya. Pero hindi pwedeng lagi ka na lang iniintindi ng iyong partner dahil sobrang busy ka sa iyong trabaho. Kailangan mo rin siyang bigyan ng oras at atensyon. Dahil kung ito ay iyong pinabayaan, darating sa punto na magsasawa na lang siya at baka humanap na ng iba na makapagbibigay sa kanya ng atensyon.
9. Mapagmataas
Kung nagkamali ka, dapat lang na humingi ka ng tawad. Hindi dapat laging pinapairal ang pride.
10. Pinapabayaan na ang sarili
Kadalasan, dahil sa pagiging abala sa inyong relasyon ay nagiging kampante ka na at napapabayaan na ang iyong sarili. Dapat ay ugaliin pa rin na mag-ayos para sa iyong partner upang parati kang maging kaakit akit sa kanya at hindi siya tumingin sa iba.

Comments
Post a Comment